
Isa rin ba kayo sa nagulat sa aksidenteng paglipad ni Lexi Gonzales sa Flying Chair game sa halip na si Angel Guardian?
Viral hit na sa Facebook ang eksenang ito sa Running Man Philippines nitong weekend, na may mahigit sa 2.8 million views.
Sa panayam ng "Chika Minute" kay Buboy Villar, nagkuwento siya sa nakakagulat na pangyayari na ito.
Pagbabalik-tanaw ng binansagan 'The Funny Juan,' “Natawa lang kami. Kasi, dapat si Angel naman 'yung lilipad, so na-excite kami na siya naman 'yung mararanasan 'yung lumilipad papuntang pool. E, wala! Mali 'yung operator ang napalipad si Lexi.”
Bukod sa mataas na ratings na nakuha ng first two episodes ng reality show, gumawa rin ng ingay online ang big event nito last August 27.
Base sa datos na ibinahagi ng TikTok Philippines, hindi baba sa 243 million views ang nakuha ng #RMPHGrandFanFest, kung saan ibinahagi ng mga TikTok creator at fans ang experience nila during the Grand Fan Fest sa Robinsons Manila.
Nakatataba ng puso, ayon kay Buboy Villar, ang intense support na nakuha ng buong Running Man Philippines team sa first weekend na umeere pa lang sila.
Aniya, “Para rin kaming mga audience ng mga oras na 'yun na parang nae-enjoy namin bawat eksena na nangyayari.”
“At nag-reflect sa mga tao at sobrang ingay ng social media, sobrang ingay ng notifications ko, dahil sobrang daming nag-congrats.”
Ano naman ang masasabi ni Buboy sa mga taong tawang-tawa sa kaniya?
Hirit niya, “Kung ano 'yung nakikita n'yo sa akin, 'yun na 'yung ako. 'Yun na 'yung totoong ako”, sabay tawa, “Ewan ko nga e, asset ko na, kumbaga in born, in born na po yan.”
At sa darating na September 10 and 11, may patikim na agad si Buboy Villar sa mga dapat abangan sa Running Man Philippines.
Kuwento niya, “Titingnan n'yo kung sino 'yung unang mapapagod, tingnan n'yo kung sino pa 'yung mas iiba pa 'yung kulay.
“Sino pa 'yung mas lalabas pa 'yung karakter at siyempre ako naman e, mapapangako ko lang, e, hindi ako sumusuko.”
Shot entirely in South Korea, ang Running Man Philippines ay ang unang co-production ng SBS (Seoul Broadcasting System) at GMA Network. Ito ay mapapanood tuwing Sabado, 7:15 p.m., at Linggo, 7:50 p.m.
TINGNAN ANG NG CELEBRITY RUNNERS SA SOUTH KOREA SA GALLERIES NA ITO: