GMA Logo bugoy carino and ej laure
Courtesy: iambugoycarino03 (IG)
What's Hot

Bugoy Cariño at EJ Laure, engaged na

By EJ Chua
Published September 5, 2023 10:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PH aims to boost cruise tourism growth
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

bugoy carino and ej laure


Nag-propose na ang dating child star na si Bugoy Cariño sa former volleyball team captain na si EJ Laure.

Nag-propose na ang former child star na si Bugoy Cariño kay EJ Laure, ang dating team captain ng UST Golden Tigresses volleyball team.

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang tungkol sa nangyaring engagement nina Bugoy at EJ.

Sa Instagram, ibinahagi ng dating child star ang mga video na kuha ng mga kaibigan niya, kung saan mapapanood kung paano nag-propose si Bugoy kay EJ sa 21st birthday niya.

Sweet na sweet na sinabi ni Bugoy habang nasa stage sila ni EJ, “Itong babaeng 'to, papakasalan ko. Itong babaeng 'to, mamahalin ko hanggang dulo.”

“Kaya maraming salamat sa pagpunta n'yo. EJ, mahal na mahal kita. Will you marry me?” dagdag pa niya.

Masayang-masaya si Bugoy ng sumagot ng “Yes” si EJ.

The beautiful family of Bugoy Cariño and EJ Laure:

Samantala, matatandaang mismong 18th birthday ni Bugoy nang ipinakilala niya sa publiko ang anak nila ni EJ na si Scarlett.

Kasunod nito, naging usap-usapan ang relasyon nina Bugoy at EJ dahil mas bata ang una kaysa sa volleyball player.

Sa kabila ng kontrobersiya at kanilang mga pinagdaanan, nananatiling matatag ang relationship nina Bugoy at EJ.

SAMANTALA, TINGNAN ANG IBA PANG CHILD STARS NOON NA PROUD PARENTS NA NGAYON: