GMA Logo BUGOY EJ AT BABY SCARLET
What's Hot

JUST IN: Bugoy Cariño at EJ Laure, ipinakilala na si Baby Scarlet

By Rowena Alcaraz
Published September 4, 2020 8:55 AM PHT
Updated September 4, 2020 9:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PH aims to boost cruise tourism growth
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

BUGOY EJ AT BABY SCARLET


Sa kaarawan ni Bugoy Cariño kagabi, September 3, ipinakita na nila ni EJ Laure ang anak na si Baby Scarlet.

Matapos ang balitang pagbubuntis noong 2018 ng dating team captain ng UST Golden Tigresses na si EJ Laure, courtesy of young actor Bugoy Cariño, wala nang narinig sa parehong kampo matapos itong pabulaanan ng dalawa.

Ngunit kagabi, September 3, ginulat ni Bugoy at ni EJ ang lahat matapos nilang ipakilala sa publiko ang maliit nilang pamilya kasama si Baby Scarlet.

Kasabay ng pagpapakilala ang ika-18 kaarawan ni Bugoy.

IN PHOTOS: Celebrities natsismis na buntis

Sulat ni Bugoy sa kanyang post kalakip ang larawan nilang mag-anak: "Happy to have a family na mahal na mahal ako. Pagsisikapan ko pong itaguyod ang blessing na ito. Thank you for your unending support and I love you both, Mommy EJ and Baby Scarlet!"


Si EJ ay mayroon din pagbati para kay Bugoy kalakip ang video clip kung saan makikita ang mga larawan nilang mag-anak na kuha mula sa binyag at first birthday ni Baby Scarlet.

Sulat ni EJ, "Happy birthday, Mahal, thank you sa lahat ng ginawa at ginagawa mo para sa amin ni baby @iamscarletcarino! We love you so much, daddy!"

Happy birthday, Mahal 🥰 thank you sa lahat ng ginawa at ginagawa mo para sa amin ni baby @iamscarletcarino! We love you so much, daddy! 💖

A post shared by Ennajie Laure (@ennajielaure) on

Wala pang opisyal na statement mula kina Bugoy at EJ as of this writing.