GMA Logo bugoy carino and ej laure
What's Hot

Bugoy Cariño sinagot ang pagbatikos ni Angel Dei tungkol sa relasyon nila ni EJ Laure

By Dianara Alegre
Published September 7, 2020 4:09 PM PHT
Updated September 7, 2020 5:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Leviste: Cabral files just the tip of the iceberg
Pila ka mga dalan sa Jaro, pasiraduhan bwas para sa Jaro Fiesta opening parade | One Western Visayas
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

bugoy carino and ej laure


“Atleast ako kahit bata pa pinanindigan ko lahat ng responsibilidad ko at hindi ko po tinakbuhan," sagot ni Bugoy Cariño sa bumabatikos sa relasyon nila ng volleyball player na si EJ Laure.

Hindi na napigilan ng binatang aktor na si Bugoy Cariño na sagutin ang pambabatikos tungkol sa relasyon nila ni EJ Laure.

May ilan kasing pumupuna sa pakikipagrelasyon niya sa volleyball player na si EJ photo habang wala pa sa hustong gulang.

Pumutok ang balitang may relasyon ang dalawa taong 2017 noong 15 taong gulang pa lamang si Bugoy habang 20-anyos naman si EJ.

Mas naging mainit sila sa mata ng publiko nang lumabas ang bali-balitang nabuntis ni Bugoy si EJ, na dahilan ng pansamantalang pagkawala sa showbiz ng una.

Mas lalo pang pinaingay ang issue ng pag-skip ni EJ sa UAAP Season 80 volleyball tournament dahil umano sa shoulder injury.

Nitong September 3, ginulat ni Bugoy ang publiko nang ipakilala niya ang baby girl nila ni EJ na si Baby Scaret.

Inanunsiyo niya ito kasabay ng pagdiriwang niya ng kanyang 18th birthday.

HAPPY BIRTHDAY TO ME! 🎂🎉🎁 Happy to have a family na mahal na mahal ako. Pagsisikapan ko pong itaguyod ang blessing na ito. Thank you for your unending support and I love you both, Mommy EJ and Baby Scarlet!! 😘😘😘

A post shared by Bugoy Cariño (@iambugoycarino03) on

Samantala, isa ang YouTube content creator na si Angel Dei sa mga bumabatikos at kumukwestiyon na relasyon nina Bugoy at EJ.

Ani ni Angel, “This is so wrong! I can't believe some people are defending this!”

Nakarating ito kay Bugoy at direktang sinagot si Angel.

Sagot niya, “O wag nyo daw idefend g na g si ate. Opo alam naming na may mali sa ginawa namen, pero para i-judge kami basta basta? Ibang usapana na po 'yun. Hindi nyo po alam buong story naming. Atleast ako kahit bata pa pinanindigan ko lahat ng responsibilidad ko at hindi ko po tinakbuhan.”

Bugoy Cariño sinagot si Angel Dei

Source: iambugoy_carino (IG)

Sa isa pang post, mariin ding ipinahayag ni Bugoy na kahit bata ay hindi niya tinakbuhan ang kanyang responsibilidad.

Bugoy Cariño sinagot ang bashers

Source: iambugoy_carino (IG)

Sa kasalukuyan ay abala sina Bugoy at EJ sa paggawa ng content para sa kanilang YouTube channel.