GMA Logo aiai delas alas life in the US
Image source: msaiaidelasalas (IG)
Celebrity Life

Buhay ni Aiai Delas Alas sa US, kabaliktaran ng buhay niya sa Pilipinas

By Jansen Ramos
Published July 11, 2022 5:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

High-profile drug suspect arrested in Iloilo; P6.12M alleged shabu confiscated
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion

Article Inside Page


Showbiz News

aiai delas alas life in the US


Aiai Delas Alas: 'Dito wala naman kaming mga maids, wala kaming mga driver, lahat ako pero ang maganda no'n natututo na 'ko.'

Tuluy-tuloy na nga ang permanent residency ni Comedy Queen Aiai Delas Alas sa Amerika.

Kasabay ng pagbubuno niya ng panahon para maging full-fledged US citizen, inaasikaso naman nila ng kanyang mister na si Gerald Sibayan ang green card nito, o ang dokumentong nagpapatunay na maaari siyang manirahan at magtrabaho sa Estados Unidos.

"Pinetisyon ko na s'ya saka nag-biometics na s'ya. Hopefully, in God's grace and in God's time, lumabas na 'yung green card n'ya.

"May backlog kasi dahil nagka-pandemic usually kasi 'pag wala mga six months to one year, green card holder na rin s'ya siguro.

"Ngayon aabot ng two years kasi may backlog nga," kuwento ni Aiai sa virtual interview ng GMANetwork.com noong Huwebes, July 7.

Bahagi pa ni Aiai, maging ang kanyang adopted na si Seth Andrei ay ipepetisyon niya para maging legal na residente na rin ng US.

"Ngayon si Seth nag-aaral s'ya, inaayos-ayos ko na 'yung papers n'ya, 'yung kanyang adoption papers para legalized na Sibayan na s'ya and 'yun nga hopefully rin magawan ko ng paraan na makamasa na namin siya."

Nang tanungin namin kung bukas pa rin siyang magkaanak via surrogacy, sagot niya, "Babalitaan ko kayo tungkol diyan 'pag ready-ng-ready na kong mag-announce."

Habang nasa Amerika, tuluy-tuloy ang pagtatrabaho ni Aiai.

Sa katunayan, nagsimula na siyang magpa-order ng kanyang bread and pastry products online sa kanyang mga kababayan doon sa San Francisco, California.

"Online lang, practice muna and then 'pag super successful siya, hopefully din sana makapagtayo ako kahit maliit lang pero, for the meantime, online lang muna."

Masaya si Aiai na nagagawa niya sa abroad ang mga bagay na hindi niya magawa noon sa Pilipinas.

Kung sa bansa ay itinuturing siyang celebrity, doon sa Amerika ay nagagampanan niyang mabuti ang pagiging maybahay kay Gerald.

Bahagi ng Raising Mamay actress, "Siyempre dito wala naman kaming mga maids, wala kaming mga driver, lahat ako pero ang maganda no'n natututo na 'ko.

"Natutunan ko nang maglagay ng gasoline sa kotse, nagda-drive na rin ako 'tapos lahat dito ikaw 'yung maggo-grocery, ikaw 'yung laba, plantsa lahat.

"Actually more of housewife ako dito kaya happy naman ako kasi 'yun naman talaga 'yung dream ko noon-noon pa kaya lang binigay sa 'kin na Lord na maging isang artista."

Paglilinaw ni Aiai, hindi niya completely iiwan ang Pilipinas dahil kapag may proyekto ay uuwi at uuwi siya ng bansa. Kamakailan lang ay nag-announce na ang GMA na magkakaroon ng fifth season ang musical competition na The Clash kung saan babalik siya bilang hurado.

"Bukod sa nami-miss ko rin ang Pilipinas, magaganda naman 'yung orojects na binibigay sa 'kin ng GMA so thankful ako. Praise God.

"And at the same time, nakakauwi ako and noong buhay pa 'yung nanay ko, nabi-visit ko s'ya saka 'yung mga anak ko and, of course, 'yung aking baby Sailor, ang aking dog."

Naiwan sa Pilipinas ang dalawa niyang anak na sina Sancho at Sophia, at ang adopted son niyang si Seth Andrei.

Samantala, ang isa pa niyang anak na si Shaun Nicolo ay nakabase rin sa Amerika.

Kumustahin ang buhay-abroad ni Aiai sa gallery na ito: