
Nag-trending ang pilot episode ng romantic-comedy series na First Yaya na pinagbibidahan nina Kapuso actors Sanya Lopez at Gabby Concepcion.
Nagsimula nang mapanood ang First Yaya nitong Lunes, at pilot episode pa lamang ay marami na ang humanga sa husay ni Sanya sa pag-arte.
Anila, whirlwind of emotions ang ipinaramdam ng aktres sa kanila bilang si Melody, ang overseas filipino worker sa Mediterranean region.
Sa naturang episode ay ipinakilala na rin ang karakter ni Gabby bilang si Vice President Glenn Acosta, na kalaunan ay magiging Presidente ng bansa.
Sa takbo ng istorya, si Melody ay magiging yaya ng mga Acosta at siya ang mag-aalaga ng mga anak ni President Glenn.
Source: kayebautista (Instagram), caicortez (Instagram)
Samantala, kung ang cast ng First Yaya ang tatanungin, gusto raw nilang masubukan maging yaya ng ilan sa kanilang mga co-star.
Ayon sa aktres na si Glenda Garcia, gusto niya raw maranasan maging boss si Gabby.
“Hanggang ngayon napakaguwapo tapos napakabait pa at napakaalaga pa niya. So alam mo na kapag ikaw ang naging yaya niya parang hindi ka niya ituturing na yaya,” aniya.
Para naman kay Cai Cortez, na gaganap din bilang yaya ng mga Acosta, ay gustong maging yaya ni beauty queen Thia Thomalla.
“Thia Thomalla. Lagi po kasing nakain 'yan. Napak-sexy po pero palagi pong nakain. So dun po tayo sa maraming pagkain,” lahad niya.
Si veteran actress Pilar Pilapil naman ang gustong pagsabilhin ni comedienne Kakai Bautista.
“Kasi alam kong mapapatawa ko siya. Mabe-break ko 'yung pagka-istrikta, 'yung ganung impression kasi masarap siyang kasama si Pilar,” aniya.
Para kay 2016 Miss Universe Philippines Maxine Medina, gusto raw niya maranasang maging yaya ni Kakai.
“Mas maraming tawa. Gusto ko maranasan na maging yaya niya. Ang saya niya lagi,” lahad niya.
Source: jdomagoso (Instagram)
Naging tampulan naman ng tukso ang naging pahayag ni Joaquin Domagoso na gusto niya raw maging yayo ng love team partner niyang si Cassy Legaspi.
“Para lagi ko siyang kasama. Para ako ang maggagawa ng pagkain niya, magpapagising sa kanya…,” ani Joaquin.
Mula sa direksyon ni LA Madridejos, kabilang din sa cast ng serye sina Pancho Magno, Gardo Versoza, Jon Lucas, Rechie Del Carmen, Sandy Andolong, Analyn Barro, Anjo Damiles, Jerick Dolormente, Jenzel Angeles, Clarence Delgado, Patricia Coma, Thou Reyes, at iba pa.
Kilalanin sila sa gallery sa ibaba.
Panoorin ang buong 24 Oras report DITO.
Related content:
'First Yaya,' 'di lang puro kilig at drama, action-packed din!
Gabby Concepcion praises Sanya Lopez: "Hindi siya pasosyal"