GMA Logo Bullet Jalosjos, Eat Bulaga
What's on TV

Bullet Jalosjos, lilinawin ang mga isyu tungkol sa 'Eat Bulaga' sa 'Fast Talk with Boy Abunda'

By Jimboy Napoles
Published April 18, 2023 6:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Quiapo Church begins Jesus Nazareno thanksgiving procession
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban
The fruits to have for Media Noche so you'll attract a prosperous 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Bullet Jalosjos, Eat Bulaga


Mga pagababago sa 'Eat Bulaga,' sasagutin ni Mayor Bullet Jalosjos sa 'Fast Tak with Boy Abunda' ngayong Miyerkules.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay bibisita sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Miyerkules, April 19, ang alkalde ng Dapitan City at TAPE Inc. board member na si Seth Frederick "Bullet" P. Jalosjos upang linawin na ang mga isyung iniuugnay sa longest-running noontime show sa bansa na Eat Bulaga.

Matatandaan na dawalang beses nang hindi natuloy ang dapat sana ay press conference ng programa upang sagutin ang sari-saring ispekulasyon na ikinakabit sa kanila gaya umano ng pag-reformat at pag-alis ng hosts.

Sa “Today's Talk” segment ng Fast Talk with Boy Abunda, ibinalita mismo ni Boy na mismong si Mayor Bullet din ang kaniyang makakapanayam bukas upang sagutin ang maraming tanong ng publiko tungkol sa programa.

Matatandaan na February 2023 nang kumalat ang maraming isyu tungkol sa Eat Bulaga gaya umano ng “internal conflict” at “uncertainties” na nangyayari sa programa.

Ang Eat Bulaga ay ang itinuturing na longest-running noontime show sa Pilipinas na pinangungunahan ng mga haligi sa industriya na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG NAGING MILESTONES NG EAT BULAGA SA GALLERY NA ITO: