GMA Logo cai cortez
Photos by caicortez IG
What's Hot

Cai Cortez, nakapagtapos ng kolehiyo matapos ang 20 taon

By EJ Chua
Published August 6, 2026 12:49 PM PHT
Updated August 6, 2026 1:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos has standing order to have Bato dela Rosa arrested —Palace
Number coding suspended on August 6 due to inclement weather
Mayor denies Cebu City is supporting Pax Silica project

Article Inside Page


Showbiz News

cai cortez


'First Yaya' star Cai Cortez sa kanyang major achievement: "20 years in the making."

Isine-celebrate ng aktres na si Cai Cortez ang kanyang recent major milestone, hindi bilang isang artista kundi bilang isang accomplished student.

Sa social media posts ni Cai, makikitang ibinahagi niya ang tungkol sa kanyang college graduation.

Mababasa sa unang part ng kanyang caption, “20 years in the making [teary-eyed emoji].”

Ang major achievement na ito ay idine-dedicate ni Cai sa kanyang mga magulang na sina veteran actor Rez Cortez at Mommy Candy.

“Mom and Dad sana proud kayo kahit it took this long to give you a diploma,” sabi niya.

Kasunod nito, nagpasalamat din si Cai sa kanyang unibersidad sa pagkakataong ibinigay sa kanya na makatapos ng pag-aaral sa kabila ng kanyang pagiging working single mom.

Nagtapos si Cai sa kursong Bachelor of Science Political Science Major in Local Government Administration sa University of Makati.

Related gallery: Cai Cortez's sexiest photos

Matatandaang napanood si Cai sa action-suspense drama series na The Missing Husband noong 2023.

Isa rin siya sa mga sinubaybayan ng viewers sa First Yaya, na unang napanood noong 2021 at kasalukuyang ipinapalabas ulit ngayon sa GMA.