
Nagbalik-tanaw sina Camille Prats at Antoinette Taus sa ilang memorable moments nila ng maging magkatrabaho sila noon para sa ilang palabas.
Unang nagkasama sina Camille at Antoinette sa youth-oriented comedy variety show na Ang TV.
Bukod pa sa nabanggit, nagkasama rin sila noon sa sitcom na Oki Doki Doc.
Sa vlog ni Camille na CamCookwithMe, ibinahagi niya kay Antoinette na ang movie na kinabilangan nila noon na Hindi Pa Tapos Ang Labada, Darling ay ang kauna-unahang beses na lumabas siya sa isang pelikula.
Habang nagba-bonding at nagluluto, binalikan nila ang ilan sa mga naranasan nila noon habang ginagawa ang naturang pelikula.
Ayon kay Antoinette, “We did that with Paolo Contis and Boy 2 Quizon, and this was starring Vic Sotto and Dina Bonnevie.”
Kuwento pa ni Camille, “I remember na nung time na 'yun, It was such a big deal because [nag-reunion sila], ''yun ang una nilang pagsasama sa ilang pelikula, after like being a couple for like a long time or something.”
Dagdag naman ni Antoinette, “I just realized, 'yun din 'yung na-meet natin sina Danica and Oyo [Sotto], naging playmates natin sila sa set, sumasama sila sa shooting.”
Matatandaang bago pa ito, nalaman ng GMANetwork.com na mula pa noong sila ay teen stars magkapatid na ang turingan ni Camille at Antoinette sa isa't isa.
Panoorin ang latest bonding moment nina Camille at Antoinette sa video na ito:
Samantala, si Antoinette ay abala ngayon sa kanyang buhay sa labas ng show business habang si Camille naman ay kasalukuyang napapanood sa GMA drama series na AraBella.
SILIPIN ANG JAW-DROPPING PHOTOS NI CAMILLE PRATS SA GALLERY SA IBABA: