GMA Logo A Million Dreams, Camille Prats, Caprice Cayetano, Clifford Gaw
Photos by: GMANetwork.com
What's Hot

Camille Prats grateful to work with her co-stars in 'A Million Dreams'

By EJ Chua
Published August 25, 2026 6:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

16-anyos nga estudyante, patay matapos malumos sa suba sa Panay, Capiz | Ratsada Balita
Patricia Tumulak, TENDERISM ang pamanang recipe ng kanyang lola sa tuhod! | Farm To Table
QC court holds oral arguments on grave threats case vs. Sara Duterte

Article Inside Page


Showbiz News

A Million Dreams, Camille Prats, Caprice Cayetano, Clifford Gaw


Inilarawan ni Camille Prats ang kanyang mga katrabaho sa 'A Million Dreams.' Basahin dito.

Magbabalik sa GMA Afternoon Prime ang aktres na si Camille Prats at isa siya sa mga bibida sa upcoming GMA drama series na A Million Dreams.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Camille, masaya niyang sinabi na bukod sa kanyang bagong project ay grateful din siya sa mga kasama niya rito.

Paglalarawan niya sa kanyang co-stars, “I'm grateful of how brilliant they are as actors, how professional, how kind, and how humble also they are.”

Kasama ni Camille bilang lead stars din sa serye ang Sparkle actresses na sina Caprice Cayetano at Angel Guardian.

Kabilang din sa cast nito sina Gabby Eigenmann, Diana Zubiri, Vaness del Moral, Clifford Gaw, at iba pang aktor.

Related gallery: Kilalanin ang cast ng A Million Dreams

Sa hiwalay na interview, sinabi ni Caprice na masaya siyang natupad ang isa sa mga gusto niyang mangyari noon pa: ang muling makatrabaho si Camille, na naging co-star niya noon sa isang episode ng Daig Kayo ng Lola Ko.

Samantala, huwag palampasin ang pagsisimula ng A Million Dreams, malapit na sa GMA.