
Hindi naiwasan ii Camille Prats na kuwestyunin ang sarili sa pagiging isang ina nang dalhin niya ang anak nila ni VJ Yambao na si Nala sa isang kilalang tourist attraction sa Vietnam.
Sa kanyang Instagram nitong Martes, March 5, ipinakita ng Mommy Dearest actress ang "all-girls trip" nila ni Nala sa Vietnam bilang pagdiriwang ng Women's Month.
Sa latest post ni ni Camille, sinabi niyang nagpunta sila ni nala sa Train Street sa Hanoi, Vietnam. Dito, napansin niyang tila hindi nagustuhan ng kaniyang anak ang na-experience sa sikat na tourist destination.
“I'm not sure if @nalacamilla liked this experience medyo napa question din ako sa sarili ko bilang isang nanay kung tama ba tong ginawa namin,” saad niya sa caption ng post.
TINGNAN ANG IBA PANG MOTHER-AND-DAUGHTER BONDING NINA CAMILLE AT NALA RITO:
Bukod sa open-air cafes, na patok sa mga lokal at turista, kilala rin ang Train street sa experience na dumaan ang rumaragasang tren ilang dipa lang ang layo sa mga mamimili.
Sa caption ng post, inimbitahan ni Camille ang kaniyang followers at mga netizens na panoorin ang kanilang video habang dumadaan ang tren kung saan makikita ang takot sa kanilang mga mukha.
Sa comments, maraming nagsasabi na nakakuha si Nala ng core memory, at sinabing matapang ang six-year-old na anak nina Camille.
Sabi pa ng isang netizen, “Titibay na si Nala! Kaya na nya harapin ang mga hamon sa buhay!”
Ang iba ay nagsabing hindi nila dadalhin ang kanilang mga anak sa Train Street o kaya naman ay sa second floor sila ng cafe pupwesto para mas ligtas.
Ang iba naman ay naalala ang '90s TV sitcom na Home Along Da Riles, na pinagbibidahan noon ni Comedy King Dolphy at kinabilangan din ni Camille.
Tingnan ang post ni Camille dito: