
Bukod sa araw ng mga puso, sine-celebrate din ng Kapamilya actor na si John Prats ang kanyang 34th birthday.
Nakapanayam ng GMANetwork.com ang kapatid nitong si Camille Prats sa pictorial ng bago nitong show sa Kapuso network. Aniya, proud siya sa bagong negosyong pinasok ng kanyang kapatid. Bumuo si John ng isang production house kasama ang kanyang business partners na sina Angelica Panganiban at Sam Milby, at isa siya sa mga direktor nito.
"Happy ako sa bagong venture niya as director. It's something that he has really dreamed of becoming. And now they have Bright Bulb Productions, so he's really doing well."
Masaya rin si Camille dahil nahanap na ni John ang linya nito sa industriya. Ipinost pa niya sa Instagram ang unang litrato nila ni John kung saan event director ito at siya naman ang assistant.
Saad niya, "To the best Kuya in the world, happy happy birthday! I’m so happy to witness you live your dreams for yourself and your family. :) I have always believed that you are destined for greater things beyond just being infront of the camera. Eto na nga at director ka na. eto ang unang picture natin bilang event director at ako ang assistant mo, basta pag kailangan mo ng assistant, sa trabaho, sa buhay at sa kahit ano pa yan. Nandito lang ako. I love you kuya! ? @iamjohnprats"