GMA Logo Camille Prats
PHOTO SOURCE: YouTube: Rica Peralejo-Bonifacio
Celebrity Life

Camille Prats talks about moving on from the death of her first husband

By Maine Aquino
Published November 2, 2022 2:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Camille Prats


Camille Prats: "Some people think na masyado akong mabilis na nakapag-move on."

Inamin ni Camille Prats na hindi naging madali ang kanyang pag-move on nang pumanaw ang unang asawa niyang si Anthony Linsangan.

Si Anthony ay pumanaw sa sakit na nasopharyngeal cancer noong 2011.

Kuwento ni Camille sa vlog ni Rica Peralejo, "Some people think na masyado akong mabilis na nakapag-move on. And na-realize ko doon is that wala palang timeline 'yun kung kailan ka ready-ng mag-move on."

Kaugnay nito, inalala ng dating Mars Pa More host ang naging pag-uusap nila ng kanyang mommy na si Alma Prats noon tungkol sa kanyang pagmo-move on at muling pagpasok sa isang relasyon.

Ani Camille, "I remember having a conversation with my mom... Because, of course my mom, is like being a mom, na parang anak, 'Sino 'to? Anak, ito na ba ang tamang panahon?'"

Patuloy niya, "I remember asking my mom na, 'Kailan ba 'yung tamang panahon na tama para sa mga tao? Two years ba, three years ba, five years ba? Ano ba, kailan ba, para 'yun 'yung susundin ko, hindi ako magmukhang ano man 'yung iniisip ninyo."

Paliwanag ni Camille ay hindi nakahanap ng sagot ang kanyang ina. Saad ng Kapuso star, "Hindi siya nakasagot and na-realize ko din na parang walang makakapagsabi kung kailan. Ikaw lang at kung sino man 'yung ipapadala ng Diyos sa 'yo."

Camille Prats

PHOTO SOURCE: YouTube: Rica Peralejo-Bonifacio

Ayon kay Camille walang makakapagsabi kung ano ang magiging buhay ng kahit sino.

"Ten years ago, noong nangyari 'yung kay Anthony, alam ko ba na ten years after ito ang buhay ko?"

Dugtong pa ng aktres, "I didn't know this 10 years ago, when I was Makati Med watching him breathe his last breath. Hindi ko alam na ito 'yung 10 years after ko."

Saad ni Camille hindi niya malalaman na magkakaroon pa siya ng asawa at mga anak pagkatapos ng ilang taon kung 'di siya nagpursige at lumaban sa buhay.

A post shared by Camille Prats Yambao (@camilleprats)

Si Camille at asawa na si VJ Yambao ay nag-celebrate ng kanilang ika-limang wedding anniversary last January 2022. Ang Kapuso star ay may tatlong anak na sina Nathan, Nala, at Nolan.

"Hindi ko 'yun malalaman unless I pushed through and continue to press on with life.

Paliwanag pa ng aktres, "We will never know what tomorrow will bring. Pero kung sigurado tayo doon sa mga promises ng Diyos, wala ka na sigurong dapat katakutan."

Panoorin ang buong kuwento ni Camille dito:

TINGNAN ANG FAMILY PHOTOS NI CAMILLE, VJ, AT KANILANG MGA ANAK DITO: