GMA Logo Candy Pangilinan, Sunshine Guimary
What's on TV

Candy Pangilinan at Sunshine Guimary, maglalaro sa 'The Wall Philippines' ngayong Linggo

By Jimboy Napoles
Published October 29, 2022 5:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cop shot dead while attending wake in Iligan
Speaker Dy says proposed 2026 budget has ‘no insertions’
Check out these Christmas treats

Article Inside Page


Showbiz News

Candy Pangilinan, Sunshine Guimary


Tutukan ang masayang paglalaro nina Candy Pangilinan at Sunshine Guimary sa 'The Wall Philippines' ngayong Linggo!

Maghahatid ng saya sina Candy Pangilinan at Sunshine Guimary sa weekend game show ng GMA na The Wall Philippines ngayong Linggo, October 23, kasama si Billy Crawford.

Mapanindigan kaya nila ang pagiging good vibes kung sila naman ang hamunin ng higanteng pader?

Sa teaser ng ikasampung episode ng nasabing game show, excited na sumalang sa hamon ng The Wall ang Kapuso comedienne na si Candy at ang sexy actress na si Sunshine.

Mapapanood sa inilabas na teaser ng game show para sa episode ngayong Linggo na si Candy ang napiling sumalang sa isolation room kung saan sasagot siya ng iba't ibang mind-blowing questions habang ang kanyang partner na si Sunshine naman ang maiiwan sa stage upang magkasa ng bola patungo sa wall.

Sa pasilip sa naturang teaser, mapapanood na makailang ult nagkaroon ng red balls ang dalawa dahil sa kanilang maling sagot, at sa maling bagsak ng bola.

Magkano kaya ang mauuwi nila sa kanilang money bank pagkatapos ng kanilang intense na paglalaro? Sila na kaya ang susunod na magiging milyonaryo?

Abangan sina Candy at Sunshine sa The Wall Philippines, ngayong Linggo, 3:35 ng hapon sa GMA.

KILALANIN ANG CELEBRITY PLAYER NGAYONG LINGGO SA THE WALL PHILIPPINES NA SI CANDY PANGILINAN SA GALLERY NA ITO: