
Proud na proud si Candy Pangilinan sa achievement ng anak na si Quentin.
Sa kaniyang vlog ay ipinakita ni Candy na nakapag-serve si Quentin mag-isa bilang sakristan sa simbahan.
Ayon kay Candy, ramdam na ramdam niya ang kaba ng anak.
Saad ng aktres, "Nakatayo na si Quentin kasi kinakabahan siya, dahil mag-isa lang siya."
Pagkatapos ng misa ay inilahad ni Candy na proud siya sa kaniyang anak.
Saad ni Candy, "Ang galing galing ni Quentin. I'm so proud of you anak. Good job ka. I'm happy."
Inamin naman ni Candy na kinabahan rin siya para sa anak. Kuwento ni Candy, "Iba talaga ang buhay kasama ka, exciting!"
Panoorin ang video nina Candy at Quentin:
BALIKAN ANG SWEET MOTHER AND SON MOMENTS NINA CANDY AT QUENTIN: