GMA Logo Caprice Cayetano and Heath Jornales
Source: Gerlyn Mariano, GMANetwork.com
What's Hot

CapEath, bibida sa bagong romantic drama series na 'You're My Favorite Song'

By Mark Joseph F. Carreon
Published April 25, 2026 5:01 PM PHT
Updated April 25, 2026 5:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barbie-themed makeup collection arrives in PH
3 nabbed; P54M suspected shabu seized in drug busts
Unique negosyo ideas, alamin! (Full Episode) | Pera Paraan

Article Inside Page


Showbiz News

Caprice Cayetano and Heath Jornales


Tuloy na tuloy na ang paglipad ng 'CapEath' sa kanilang bagong series na You're My Favorite Song!

Matapos ang kanilang matagumpay na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 journey, handa na ang 'CapEath' na sina Caprice Cayetano at Heath Jornales na pagbidahan ang isang seryeng paniguradong magpapakilig sa atin tuwing hapon.

Handa na rin ang inyong mga paboritong PBB Celebrity Collab Edition 2.0 stars na Clifford at Marco Masa na paigtingin pa ang inyong kilig sa seryeng itong may magandang kuwento at tiyak na puno ng inspirasyon!

Sa ilalim ng direksyon ng premyadong filmmaker at podcaster na si JP Habac, ang utak sa likod ng ilan sa mga pinakapopular na romance-drama films sa bansa; at mula sa panulat ni Erwin Bravo, ihanda na ang inyong mga pusong damhin ang ritmo ng pag-ibig at inspirasyon na magpapaganda ng inyong bawat hapon.

Abangan ang seryeng ito na tampok ang 'CapEath' na sina PBB Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuso Big Winner Caprice Cayetano at PBB Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuso 2nd Big Placer na si Heath Jornales, kasama sina Clifford at Marco Masa.

Huwag palampasin ang You're My Favorite Song, malapit na sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: Get to know Kapuso actress Caprice Cayetano