GMA Logo Caprice Cayetano
What's on TV

Caprice Cayetano, aminadong 'sanay' na sa mga pisikal na eksena

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 15, 2026 2:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rescued PH eagle in Bukidnon now recovering, to undergo further tests - PEF
This Makati bar is part of Asia's Best Bars 2026
Student who made threat vs Olango school to undergo psych exam

Article Inside Page


Showbiz News

Caprice Cayetano


Hindi na bago kay Caprice Cayetano ang mga pisikalan sa harap ng kamera dahil sa kaniyang previous projects!

Ipinahayag ng lead actress ng You're My Favorite Song na si Caprice Cayetano na sanay na sanay na siya sa mga heavy o pisikal na eksena lalo na't hindi na bago ang ganitong mga tagpo sa kaniyang mga nakaraang proyekto.

Kamakailan, sa isang episode ng kaniyang GMA Afternoon Prime series, buong tapang na hinarap ng kaniyang karakter na si Angel ang karakter ni Serina, na ginagampanan naman ng Kapuso actress na si Kazel Kinouchi, upang pakiusapan itong itigil na ang panggugulo sa ipinatayong resort ng pamilya ni Angel.

Hindi sinasadyang maitapon ni Angel ang cake sa mamahaling carpet sa mansyon ni Serina, na nagbunsod upang lalo pa itong mainis. Dahil dito, nginudngod ni Serina ang mukha ni Angel sa mismong cake na nasa sahig.

Naging usap-usapan ang episode na ito sa social media at hinangaan ng mga tagahanga ang intense na pagganap ng dalawa. Labis na pinuri ng netizens ang pagiging propesyonal ni Caprice sa pagsasagawa ng mga ganitong uri ng mapanghamong pisikal na eksena.

Sa isang eksklusibong panayam sa isang Chika Minute report sa 24 Oras, inamin ni Caprice na bagama't sanay na sa mga pisikalan sa mga eksena, inilarawan niya ang intense scene sa kasalukuyang serye na “iba” mula sa mga naranasan noon.

“Usually, sampal po or more on tulak, pero ngayon iba po talaga 'to,” ani Caprice.

Hindi naman ito inindang mabuti ng Kapuso young actress. Pabiro pa niyang ibinahagi na kahit intense ang eksena, na-enjoy raw niya ito.

“Actually, nagkaroon nga po ako ng snack doon sa pagngudngod ng cake so habang nginungudngod parang may halong acting tapos may medyo may side din na [napasabi ako ng] 'Ang sarap pala no'ng cake,'” pabirong sabi ng aktres.

Lalong tumitindi ang mga eksena sa romance-drama series na ito tuwing hapon dahil sa sunod-sunod na rebelasyon at mga nakakagulat na plot twist.

Kamakailan, nabunyag na ang tunay na pagkatao ni Captain Serenade, si Miguel, na ginagampanan ng Kapuso young actor na si Heath Jornales. Bukod dito, isa sa pinaka-nakagugulat na rebelasyon ay ang katotohanang buhay pa pala si Celestine, ang tagapagmana ni Enrico Montaverde na ginagampanan naman ni Blanco.

Sa ngayon, sabik na sabik na ang mga tagasubaybay sa inaabangang Brighton Bay Ball. Bukod sa pananabik na makita ang cast sa kanilang mga elegante na suit at gown, usap-usapan na rin kung sino-sino ang magkakaparehang dadalo sa nasabing event.

Nagbigay naman ng pasilip sa mga susunod na mangyayari si Caprice: “Ang kailangan rin po nilang abangan ay kung may kasama ba si Angel [sa Brighton Bay Ball], o mag-isa lang siya at doon na niya mai-meet ang lahat?”

Sa kabilang banda, ngayong araw (Miyerkules, July 15) ang simula ng benta ng ticket para sa inaabangang grand fan meet ng You're My Favorite Song. Abangan si Caprice kasama ang kaniyang mga leading man na sina Heath Jornales, Clifford, at Marco Masa ngayong darating na August 1 sa SM North EDSA Skydome.

A post shared by GMA Public Affairs (@gmapublicaffairs)

Patuloy na subaybayan si Caprice bilang si Angel sa You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: 'You're My Favorite Song' leading ladies' stunning moments in photos