GMA Logo Caprice Cayetano at Clifford
Source: You’re My Favorite Song
What's on TV

Caprice Cayetano at Clifford, pinuri ng viewers sa kanilang dekalibreng acting sa 'You're My Favorite Song'

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 1, 2026 4:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Livestream: July 1, 2026
Almost a thousand bullying cases in Region 6 in latest school year
Miley Cyrus gets her own Barbie doll

Article Inside Page


Showbiz News

Caprice Cayetano at Clifford


Hinangaan ng mga manonood ang heavy at dramatic scene nina Caprice Cayetano at Clifford sa 'You're My Favorite Song'!

Dekalibreng acting ang hatid ng CapFord na sina Caprice Cayetano bilang Angel at Clifford bilang Calix sa isa sa latest episode ng You're My Favorite Song!

Sa nakaraang episode, pumayag si Angel (Caprice Cayetano) na makapareha ang kaniyang academic rival na si Calix (Clifford) para lumalaban sa Regional QuizCon kung saan ang siyang mananalo ay mag-uuwi ng malaking halaga ng pera.

Kahit pa labag sa loob niya na makipagtulungan sa mayabang na si Calix, tinanggap ni Angel ang hamon na ito upang makatulong sa pamilya na kasalukuyang dumaranas ng hirap sa pagpapagamot sa may sakit na si Lolo Xavi (Boboy Garrovillo).

Ngunit hindi nagtagumpay ang tambalang 'GeLix' sa kompetisyon at hindi pinalad na maiuwi ang premyo na para kay Angel ay nakalaan para sa kaniyang minamahal na lolo.

Sa kabilang banda, masama ang loob ni Calix sa kanilang pagkatalo at sinisisi niya si Angel dahil dito. Hindi napigilan ng dalaga na ilabas ang kaniyang emosyon dahil sa mga masasakit na sinabi sa kaniya ng binata.

Ikinagulat naman ni Calix nang marinig ang dahilan kung bakit ganoon na lamang din kaimportante kay Angel ang maipanalo ang naturang quizcon.

Bumuhos ng luha at matitinding batuhan ng linya ang episode na ito noong Martes, June 30; hinangaan din ng marami ang mahusay na pagganap nina Caprice Cayetano at Clifford na anila'y isa sa mga magaganda at tatatak na eksena sa serye, partikular sa mga eksena ng tambalang 'GeLix.'


Narito ang ilan sa mga reaksyon ng viewers sa dramatic scene ni naAngel at Calix:

Samantala, kapana-panabik din ang mga susunod na tagpo sa serye habang patuloy na gumagawa ng paraan si Serina (Kazel Kinouchi) na pabagsakin ang kaniyang pamilya. Abangan din ang pagbubukas ng Gran Vista Resort sa Huwebes, July 2!



Patuloy na subaybayan ang You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!


Related Gallery: 'You're My Favorite Song' stars feel overwhelming support from fans at media day