GMA Logo Caprice Cayetano and Clifford
Source:You’re My Favorite Song
What's on TV

You're My Favorite Song: Tapatan ng talino nina Angel at Calix, pinahanga ang viewers!

By Mark Joseph F. Carreon
Published June 27, 2026 1:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos concerned over info on infiltrators at Iglesia Ni Cristo rally
Almost a thousand bullying cases in Region 6 in latest school year
Miley Cyrus gets her own Barbie doll

Article Inside Page


Showbiz News

Caprice Cayetano and Clifford


Hinangaan ng mga manonood at fans ang naganap na tapatan sa pagitan nina Angel (Caprice Cayetano) at Calix (Clifford) sa 'You're My Favorite Song'!

Matapos makakuha ng higit pa sa perfect score sa kanilang exam si Angel (Caprice Cayetano), siya ang bagong kinilala na top student ng Brighton Bay Academy.

Ito naman siya ay ikinagalit ng dating top student ng school na si Calix (Clifford) kung kaya't naging mas mainit ang dugo nito kay Angel.

Dahil sa inis, pinagdiskitahan ni Calix ang mga gamit ni Angel at ng kaibigan niyang si Zion (Marco Masa); itinapon niya sa basuran ang bag ng dalawa.

Ikinagalit ni Angel ang nangyari dahil mahalaga sa kanya ang blue bag na ito dahil regalo ito galing kay Captain Serenade, kung saan nakakubli si Miguel (Heath Jornales).

Mas ikinagalit pa ng dalaga ang pag-aakusa sa kaniya ni Calix nandaya siya sa exam kung kaya't hindi nagpatinag si Angel at hinamon si Calix sa isang tapatan ng talino.


Sa naturang episode noong Huwebes, June 25, bumilib ang netizens sa tapatan ng dalawa kung saan hinangaan nila kung paanong talino ang ginamit nila upang patunayan ang sarili sa isa't isa.


Narito ang ilan sa mga reaksyon ng viewers sa inaabangang reencounter nina Angel at Miguel:


Sa Lunes, abangan kung matuloy kaya ang pinaghahandaang grand opening ng Gran Vista Resort ngayon isinugod si Lolo Xavi (Boboy Garovillo) sa ospital.

Patuloy na subaybayan ang You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Maaari pa ring bumoto sa kung alin ba sa tatlong ships sa serye ang lumagpasa sa kilig meter mo sa pilot week nito. Sagutan ang poll na ito:

Related Gallery: 'You're My Favorite Song' stars feel overwhelming support from fans at media day