
Pareho mang abala sa kani-kanilang projects, nakapaglaan pa rin ng oras sina Caprice Cayetano at Marco Masa para sa kanilang supporters.
Masayang nag-unwind at nakipag-bonding sina Caprice at Marco sa kanilang fans na talaga namang nag-prepare para maiparamdam ang kanilang all-out support sa Sparkle stars.
Game na game silang nakisaya at kumasa sa activities na inihanda ng CapCo (Caprice Cayetano and Marco Masa) shippers.
Sa showbiz report ni Aubrey Carampel, ipinasilip ang ilang naging kaganapan sa event na napuno ng kulitan, kilig, at tawanan.
Pahayag ni Caprice, “Thankful po kami sa kanilang creativity, sa time po nila, at 'yung efforts po nila para sa fanmeet.”
“Actually, noong nag-start 'yung 'You're My Favorite Song, ' doon nag-start maging strong ang CapCo. I'm just really happy, grateful, and thankful na nakagawa sila ng setup na ganito for us,” sabi naman ni Marco.
Idinaos ang event nitong Sunday afternoon, August 23.
Si Caprice ay bibida sa upcoming GMA series na 'A Million Dreams' at si Marco naman ay getting ready sa kanyang upcoming projects na ayon sa kanya ay secret muna sa ngayon.
Sina Caprice at Marco ay parehong ex-housemates sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.'
Si Caprice Cayetano ang itinanghal na Kapuso Big Winner sa kinabilangan nilang season ng reality competition, habang si Marco Masa naman ay naging parte ng Wildcard.
Related gallery: The winning highlights of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 The Big Night