GMA Logo A Million Dreams, Caprice Cayetano, Camille Prats, Angel Guardian
Photos by GMANetwork.com, Eric Javier
What's Hot

Caprice Cayetano, excited to work again with Camille Prats in 'A Million Dreams'

By EJ Chua
Published August 10, 2026 5:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

WALANG PASOK: Class suspension for Tuesday, August 11, 2026
Suspects in killing of bao-bao driver, companion surrender in Lanao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

A Million Dreams, Caprice Cayetano, Camille Prats, Angel Guardian


Happy si Caprice Cayetano na isa sa co-stars niya sa 'A Million Dreams' si Camille Prats.

Sabik na sabik na sa bago niyang project ang Sparkle star na si Caprice Cayetano.

Mapapanood si Caprice sa upcoming series na 'A Million Dreams,' ang panibagong seryeng dapat subaybayan ng mga Kapuso at iba pang viewers.

READ: Caprice Cayetano, Clifford Gaw reunite in 'A Million Dreams'

Bukod sa istorya nito, excited din ang young star na muling makatrabaho ang celebrity mom na si Camille Prats.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Caprice, sinagot niya ang tanong kung sino ang gusto niyang makatrabaho ulit. Excited at masaya siya na makakasama niya ulit sa isang acting project si Camille.

“Ang gusto ko pong maka-work ngayon ay ayun nagkatotoo po, which is si Ms. Camille Prats po. Saktong-sakto po ito para sa new project namin at magiging mommy ko pa po siya ulit,” sabi niya.

Una nang naging co-star ni Caprice si Camille noong child star pa lang ang una. Sabay silang napanood sa isa sa episode ng 'Daig Kayo ng Lola Ko' ng pinamagatang Alamat ng Pinya.

Samantala, muli ring makakatrabaho ni Caprice sa bago niyang project ang kanyang former housemate sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0' na si Clifford Gaw.

Naging co-stars ang dalawa sa recently concluded GMA series na 'You're My Favorite Song.'

Bukod kina Caprice at Camille, lead stars din sa serye ang Sparkle star na si Angel Guardian.

RELATED CONTENT: Kilalanin ang cast ng A Million Dreams

Huwag palampasin ang pagsisimula ng 'A Million Dreams,' malapit na sa GMA.