GMA Logo Youre My Favorite Song Lead Stars
Source: alloutsundays7 (IG)
What's on TV

Caprice Cayetano, may pa-spoiler tungkol sa 'You're My Favorite Song'

By Mark Joseph F. Carreon
Published July 13, 2026 12:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ano nga ba ang subpoena at kailangan ba itong sundin? | GMA News Feed
Alex Eala is back in Manila after historic Wimbledon run
3 dead, 6 missing in Davao Occidental flooding

Article Inside Page


Showbiz News

Youre My Favorite Song Lead Stars


May hatid na spoiler ang cast ng You're My Favorite Song tungkol sa kanilang serye sa kanilang pagbisita sa All-Out Sundays!

Naghatid ng “next-gen” kilig ang mga lead star ng You're My Favorite Song na sina Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, at Caprice Cayetano sa kanilang pagbisita sa All-Out Sundays noong episode ng July 12.

Hinandugan ng apat na bida ng GMA Afternoon Prime romance-drama series ang mga manonood at kanilang mga tagahanga ng isang nakakakilig na group performance ng OPM song na O Pag-ibig.

Agad na nagdulot ng matinding tilian at suporta ang kanilang pagtatanghal mula sa mga fans na nasa studio.

Kitang-kita ang chemistry ng tatlong “ships” ng serye—ang CapEath, CapFord, at CapCo—sa kanilang masaya at puno ng kilig na pagkanta.

Matapos ang kanilang performance, kinapanayam sila ng mga host ng show na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, na kilala bilang real-life couple na 'JulieVer.'

Sa naturang episode, ipinagdiwang din ang kaarawan ni Clifford na naganap noong July 7. Binigyan siya ng sorpresang cake at kinantahan sa mismong entablado.

Nang tanungin kung ano ang kanyang birthday wish, sinabi ni Clifford na ang tanging hiling niya ay ang patuloy na suporta ng madla para sa kanilang serye.

“'Yung wish ko this year, sana ay mas marami pang susuporta sa You're My Favorite Song,” ani Clifford.

Lubos din ang pasasalamat ng aktor sa lahat ng patuloy na humahanga at sumusuporta sa kanilang apat at sa buong serye. Nagbigay rin siya ng paanyaya sa mga manonood na huwag bibitiw dahil mas marami pang magaganda at nakakasabik na mga tagpo ang dapat abangan sa You're My Favorite Song.

“To everyone who went here to support us: Marco, Caprice, Heath; thank you so much to everyone who supported You're My Favorite Song at sana dadami pa ang susuporta sa You're My Favorite Song dahil mas marami pa kayong dapat abangan,” pahayag ni Clifford.

Hindi rin nakalimot si Clifford na magpasalamat sa kanyang mga masugid na tagahanga, sa buong team ng All-Out Sundays, sa Sparkle GMA Artist Center, sa mga GMA executive na sina Ms. Annette Gozon-Valdes at Ms. Joy Marcelo, at sa lahat ng mga taong naging bahagi ng kanyang career journey.

“I want to thank everyone, my supporters who are here today; s'yempre I want to thanks my All-Out Sundays family; to my Sparkle GMA Artist Center family, Ms. Annette Gozon-Valdes, Ms. Joy Marcelo; to my manager, Ms. Jan Navarro; and to my handler, Kuya Robert,” pasasalamat ng aktor.

“Thank you so much, Faves! We love you so much,” dugtong pa niya.

Matapos ang birthday surprise, hindi pinalampas ni Rayver ang pagkakataon na tanungin ang cast tungkol sa usap-usapang nawawalang heiress ng mga Montaverde sa serye.

Bilang sagot, nagbigay ng isang nakakabitin na teaser si Caprice, “Malalaman na po kaya natin kung sino ang tatay ni Angel?” na lalong nagpa-excite sa mga manonood.

“Ano pa kaya ang mangyayari kina Zion, Calix, at Miguel tungkol doon sa bucket list ni Lolo Xavi? Abangan 'yan sa You're My Favorite Song!” dagdag pa ni Caprice.

Pabiro rin tinanong ni Clifford na gumaganap bilang si Calix sa serye ang kapwa aktor na si Heath na siya namang gumaganap bilang si Miguel: “Magbabakbakan na ba tayo Miguel?”

Hindi rin nagpahuli ang apat nang sumabak sila sa Oohh Lala Baby dance challenge, na labis na kinaaliwan at kinakiligan ng mga studio audience at maging ng mga netizen online.

A post shared by ALL-OUT SUNDAYS (@alloutsundays7)

A post shared by ALL-OUT SUNDAYS (@alloutsundays7)

A post shared by ALL-OUT SUNDAYS (@alloutsundays7)


Patuloy na subaybayan ang You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!

Related Gallery: Cast ng 'You're My Favorite Song,' kilalanin!