
Isa si Caprice Cayetano sa housemates na tila hindi makapaniwala sa mga nangyari sa first eviction night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Labis na ikinagulat at naiyak si Caprice nang marinig niyang evicted na sa Bahay Ni Kuya ang kanyang fellow Sparkle star na si Waynona Collings.
Si Waynona ang isa sa housemates na itinuturing na kaibigan ni Caprice.
Sabay ng kanyang pagluha noong first eviction night, inilahad ng Sparkle star kung bakit malapit din siya kay Waynona.
“Grabe, kasama ko si Waynona sa kama, sa vanity, tapos sa lagayan ng clothes,” sabi ni Caprice.
Samantala, sa isang episode ng teleserye ng totoong buhay, inilarawan ni Lella Ford si Waynona na perfect example umano ng isang best friend.
Abangan ang susunod na updates tungkol sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:25 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Related gallery: Meet the 20 housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'