
Ipinakita nina Carla Abellana at Beauty Gonzalez ang kanilang excitement sa nalalapit na pagsisimula ng Stolen Life.
Ang Stolen Life ay ang bagong handog ng GMA Afternoon Prime at magsisimula na ito sa November 13.
Si Carla ay mapapanood bilang Lucy at si Beauty naman ay mapapanood bilang Farrah. Dahil sa astral projection ay magkakapalit ng katawan sina Lucy at Farrah kaya naman kakaibang Carla at Beauty ang ating masasaksihan sa Stolen Life.
Sa Instagram, ipinakita nina Carla at Beauty ang kanilang excitement sa Stolen Life. Ani Carla, "Isang linggo na lang, eere na ang #StolenLife sa GMA Afternoon Prime. Ready na ba kayong magulat at maloka?"
Ayon naman sa post ni Beauty, "You want Trouble? Let's Make It Double!"
RELATED GALLERY: Meet the cast of 'Stolen Life'
Makakasama nina Carla at Beauty sa Stolen Life si Gabby Concepcion para gampanan ang karakter na Darius, ang asawa ni Lucy. Kabilang rin sa aabangang cast sina Celia Rodriguez bilang Azon, Anjo Damiles bilang Vince, Divine Aucina bilang Joyce, Lovely Rivero bilang Belen, Juharra Zhianne Asayo bilang Cheska, at William Lorenzo bilang Ernesto.
Ang Stolen Life ay sa ilalim ng direksyon ni Jerry Sineneng at mapapanood sa GMA Afternoon Prime simula November 13, 3:20 p.m. sa GMA Network.