GMA Logo Ismol Family online reunion
What's on TV

Carla Abellana at Kevin Santos, excited na sa mangyayaring virtual reunion ng 'Ismol Family'

By Aedrianne Acar
Published May 22, 2020 4:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump says Iran president requests ceasefire, Tehran says 'false'
Flood-resistant building na ipinatayo ng GMAKF sa Malitbog E.S., pinasinayaan | 24 Oras
Maalinsangang panahon, asahan sa mga nalalabing araw ng Semana Santa | One North Central Luzon

Article Inside Page


Showbiz News

Ismol Family online reunion


Tutukan ang exciting live chat featuring the cast of 'Ismol Family' this Sunday, May 24, streaming exclusively on the Kapuso comedy channel 'YouLol.'

Ilang araw na lang ang inyong hihintayin at muli ninyong makakasama ang buong pamilya nina Majay at Jingo Ismol sa mangyayaring online reunion ng Kapuso sitcom na Ismol Family!

Yayain ang buong pamilya sa mangyayaring #IsmolGathering this May 24 kung saan papatawanin nila ulit kayo three years mula noong huli silang umere.

Isa sa mga excited sa virtual reunion na ito ay si Carla Abellana, na gumanap na Majay.

"Ang #IsmolFamily may virtual reunion sa Linggo! Tara na at join na kayo sa online gathering namin! Masaya ito, promise. #YouLOL #IsmolGathering"

Ang #IsmolFamily may virtual reunion sa Linggo! Tara na at join na kayo sa online gathering namin! Masaya ito, promise. 🥰 #YouLOL #IsmolGathering

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline) on

Napa-post din si Kevin Santos sa #IsmolGathering na mangyayari this weekend.

Alam naming miss n'yo na ang #IsmolFamily! May mga nais ba kayong itanong sa saming cast? Comment below at sasagutin namin 'yan #IsmolGathering happening exclusively here on #YoüLOL! RIOT TO!!!! 😂 #Reunion #IsmolGathering

A post shared by Kevin Santos (@pilot_kevinreal) on

Mark your calendars and don't miss the grand online reunion na mapapanood sa newest comedy channel na YouLol.

Bukod sa matatawa na kayo sa live chat, ipo-promote din dito ang fundraising activities ng GMA Kapuso Foundation.

Carla Abellana, idinaan sa tawa ang insensitive comment sa kanyang Instagram post