
Isa si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa gustong makatrabaho ng Stolen Life star na si Carla Abellana.
Sa ulat ng Unang Hirit ngayong Miyerkules ng umaga (September 27), sinabi ito mismo ng versatile actress matapos pumirma ng kontrata sa All Access to Artists (o Triple A). Ang naturang talent management agency ang nagha-handle sa career din ni Marian.
Samantala, sa panayam ng entertainment press kay Carla, sinabi nito na naka-“move on” na siya sa failed marriage nila ni Tom Rodriguez.
CELEBRITY COUPLES NA NAUWI SA HIWALAYAN:
Ikinasal ang dalawa noong October 2021 at noong June 2022 ay kinumpirma mismo ni Tom na divorced na siya kay Carla.
“Nabanggit ko po kanina parang nahanap ko na po 'yung aking peace,” paglilinaw ni Carla. “Talagang nasara ko na po 'yung chapter na 'yun ng aking buhay. Lagpas-lagpas pa po ako sa pagmo-move on 'yung ganun.”
“So, masayang-masaya po. Definitely, masaya po ako kung nasaan ako ngayon sa buhay ko po. I'm happy where I am.”
Ilan sa proyekto na pinagsamahan noon nina Carla at Tom ang My Husband's Lover, My Destiny, at I Heart Davao. Bumida rin sila sila sa rom-com movie na No Boyfriend Since Birth noong 2015.
CARLA ABELLANA IS A REAL-LIFE BARBIE DOLL IN THESE PHOTOS: