GMA Logo Carla Abellana
Source: carlaangeline (IG)
What's Hot

Carla Abellana, ikakasal ngayong buwan?

By Aedrianne Acar
Published December 20, 2025 2:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana


Nitong Disyembre, kinumpirma ni Kapuso Primetime star Carla Abellana kay Boy Abunda na engaged na siya. Totoo bang ngayong buwan din magaganap ang kanyang wedding?

Hindi lang magiging busy ang Kapuso Primetime Goddess na si Carla Abellana para sa promotion ng
ng Metro Manila Film Festival 2025 entry ng Regal Entertainment, Inc. — ang 'Shake, Rattle & Roll: Evil Origins' dahil may bali-balita na ikakasal daw ito diumano ngayong Disyembre.

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

Nang simula ng buwan, ginulat ni Carla ang publiko nang mag-post ito sa Instagram ng photo na suot niya ang isang engagement ring. At kinumpirma naman mismo ng Kapuso actress sa Fast Talk with Boy Abunda na siya ay engaged.

Samantala, sa ulat ni Gorgy Rula PEP.Ph, tinanong nito mismo si Carla sa premiere night ng 'Shake, Rattle & Roll' noong December 18, kung totoo bang tuloy ang kasal niya na nakatakda sa December 27.

Base sa impormasyon ni Gorgy, idadaos daw ito sa isang events place sa Tagaytay. Maikli lang ang naging sagot ni Carla kay Gorgy.

Tugon niya, “Aba! Sana po! Tingnan natin!”

Na-grant na ang divorce ni Carla Abellana sa estranged husband niya na si Sangˈgre star Tom Rodriguez. Ikinasal ang dalawa noong October 2021.

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

RELATED CONTENT: Carla Abellana receives outpouring of love from celebs after announcing engagement