
Tatatak sa mga manonood ang bagong role ng Primetime Goddess na si Carla Abellana sa afternoon drama na Stolen Life.
Makakasama niya sa naturang project na dinirehe ni Jerry Sineneng sina Beauty Gonzalez at Gabby Concepcion.
Sa guesting ni Carla sa morning show na Unang Hirit ngayong October 27, may patikim na siya sa mangyayari sa upcoming drama na ito na mapapanood na sa Nobyembre.
Lahad ng aktres, “May pagka-fantasy po itong Stolen Life nagre-revolve siya around the story or concept of astral travel or astral projection.”
“Kami po ni Beauty Gonzalez dito ay mag-aagawan ng buhay, so nagsi-switch po 'yung aming soul lumilipat po sa katawan nung isa… Nagsi-switch po kami dito - mabait, salbahe, kontrabida, bida, very challenging, kasi parang tig-dalawang role po kami ni Beauty dito.”
Inilarawan din ni Carla na “intense” ang mga eksena nila sa Stolen Life at umamin ito na minsan ay may pagka-salbahe ang karakter niya.
Paliwanag niya, “Kakaibang Carla Abellana 'yung aabangan nila sa Stolen Life. Kasi, first time ko mag-salbahe, e, first time ko po mag-kontrabida-ish. So, sagad 'yung mga eksena and very intense po 'yung mga eksena. Ito na po siguro 'yung heaviest.”
NEW CELEBRITY HOMES:
Masaya rin ikinuwento ni Carla Abellana sa UH barkada na nakalipat na siya sa bago niyang bahay.
Aniya, “Actually, kakalipat ko lang po ng aking bagong bahay. So, medyo busy siyempre may mga konti pang repairs pa po. May mga kulang pang gamit, so 'yun 'yung medyo nakatutok po ako sa bahay. Pag-decorate, mga furniture.”
Last month, pumirma ng kontrata ang homegrown Kapuso actress sa bago niyang talent management agency na All Access to Artists (Triple A)