GMA Logo carla abellana
Image Source: carlaangeline (Instagram)
What's Hot

Carla Abellana may bagong endorsement; grateful na tuloy-tuloy ang trabaho

By Jansen Ramos
Published June 6, 2022 12:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

carla abellana


Bukod sa bagong endorsement, mapapanood si Carla Abellana sa upcoming GMA live-action anime adaptation na 'Voltes V: Legacy.'

Tuloy lang sa pagtatrabaho si Carla Abellana sa kabila ng mga kinasasangkutan niyang kontrobersiya na may kinalaman sa kanilang marital status ng asawang si Tom Rodriguez.

Matapos ang unfollow-follow issue sa Instagram, napapabalita namang maghahain ng annulment case si Carla para mapawalang-bisa ang kasal nila Tom.

Hanggang ngayon ay wala pa ring opisyal na pahayag ang dalawa tungkol sa kanilang umano'y hiwalayan.

Bagamat mainit na topic ang celebrity break-ups ngayon, nananatiling tikom ang bibig ni Carla at naka-focus sa kanyang career at sa blessings na dumarating sa kanya.

Matapos ipalabas ang primetime series niyang pinagbidahan na To Have and To Hold noong nakaraang taon, mapapanood naman si Carla sa upcoming GMA live-action anime adaptation na Voltes V: Legacy.

May bagong endorsement din ang aktres na hindi pa niya nire-reveal kung anong brand ito. Sa aming palagay, isa itong beauty brand.

Sa latest YouTube vlog niya na ipinost niya noong June 3, mapapanood ang behind-the-scenes ng photoshoot niya para sa bagong ineendorsong brand.

Ika niya, "I've been receiving a lot of blessings recently. I have been given good opportunities, lots of good opportunities lately so sobrang grateful ako na tuloy ang trabaho."

Sa kabila ng mga isyu patungkol sa kanyang personal na buhay, beautiful and glowing pa rin si Carla at excited sa panibagong opportunity na ibinigay sa kanya.

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

Panoorin ang vlog niya tungkol dito:

Samantala, narito ang iba pang jaw-dropping looks ni Carla: