GMA Logo tom rodriguez
Source: akosimangtomas (Instagram)
What's Hot

Larawan ng putol na kadena, ibinahagi ni Tom Rodriguez sa social media

By Jimboy Napoles
Published June 2, 2022 1:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

tom rodriguez


Ano kaya ang nais iparating ni Tom Rodriguez sa cryptic photo na ibinahagi niya sa Instagram?

Kasabay ng napapabalitang annulment case na inihanda ng kanyang asawa na si Carla Abellana, palaisipan ngayon sa maraming netizens ang larawan na ibinahagi ng aktor na si Tom Rodriguez sa kanyang Instagram story.

Makikita sa nasabing larawan ang putol na kadena na nakakabit sa dalawang kamay na tila nagpapahiwatig ng paglaya.

Ang larawang ito ang latest post ni Tom matapos ang halos tatlong buwan na pagiging inactive sa social media simula nang umingay ang bali-balitang breakup nila ni Carla.

Source: akosimangtomas (Instagram)

October 23, 2021 nang ikasal sina Tom at Carla sa Batangas ngunit ilang buwan lamang matapos ito ay umugong na ang isyu ng kanilang hiwalayan sa hindi pa malinaw na dahilan.

March 2022 nang humarap sa media ang ama ni Carla at batikang aktor na si Rey "PJ" Abellana, na kinumpirmang may problema sa relasyon ang kanyang anak at manugang.

Hanggang ngayon ay wala pa ring opisyal na pahayag sina Tom at Carla tungkol sa isyu.

Samantala, sa kabila ng pinagdaraanan sa pamilya, tuloy lamang sa paggawa ng proyekto si Carla. Mapapanood siya bilang Mary Ann Armstrong sa inaabangang live-action adaptation series na Voltes V: Legacy ng GMA.

Balikan ang relationship timeline nina Tom at Carla sa gallery na ito.