GMA Logo Carla Abellana
What's on TV

Carla Abellana, nakaramdam ng separation anxiety nang matapos ang shoot ng 'To Have And To Hold'

By Aedrianne Acar
Published September 8, 2021 10:30 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana


Malapit na mapanood ang pinakabagong serye na 'To Have And To Hold' sa GMA Telebabad ngayong buwan ng Setyembre. Abangan ang pagganap ng versatile TV-drama actress na si Carla Abellana bilang Erica.

Sa kabila ng hirap sa pagshu-shoot ng isang TV series sa gitna ng pandemya, fulfilling para kay Carla Abellana na maayos nilang natapos ang lock-in taping ng upcoming GMA Telebabad series na To Have And To Hold.

Nakadalawang lock-in taping sa probinsya ng Bataan ang cast at production crew, kaya sa latest vlog ng Kapuso actress, umamin ito na nakaramdam siya ng separation anxiety nang matapos ang kanilang shoot.

Source: Carla Abellana (YT)

Ayon kay Carla na gaganap na Erica sa serye, “We are enjoying our last few days here, pero ngayon pa lang sepanx na kami. Ine-enjoy na lang namin 'yung last few days namin dito na magkakasama kami.

“Ine-enjoy namin 'yung view, 'yung fresh air. 'Yung presence ng bawat isa, 'yung happiness, 'yung laughter lahat 'yun.”

“Hindi naman mabigat 'yung atmosphere, talagang very light lang and you can tell na nag-enjoy na lang ang lahat, sinusulit na lang parang ganun.” pagsasalarawan ng aktres.

Dagdag pa ng soon-to-be Mrs. Rodriguez na miss na miss na rin nila ang kani-kanilang bahay at pamilya.

Aniya, “So, we all miss our home and we all can't wait to be home, but I'm sure bawat isa naman sa amin aaminin mami-miss namin itong show na 'to, mami-miss namin itong lock-in na 'to. Most especially the people in this location talaga.

“We hope, of course, that you guys will watch out for 'To Have And To Hold.'”

Sa kabila ng busy schedule nina Carla at kanyang fiancé na si Tom Rodriguez, abala ang dalawa sa paghahanda ng kanilang dream wedding na magaganap sa Madre de Dios Chapel sa Tagaytay Midlands.

Ngunit sinabi ni Tom sa isang panayam na hindi pa sigurado ang final date ng ceremony.

Paliwanag ng The World Between Us actor, "Meron tayong Taal Volcano scare, e doon mismo gaganapin 'yung kasal 'tsaka 'yung reception.

"Ngayon meron tayong ECQ so we have to plan for the current protocols."

Heto at silipin ang ilan sa aabangang eksena sa To Have And To Hold sa gallery below.