
Sa loob ng dalawang taong, marami nang nangyari sa buhay ni Carla Abellana, kabilang na ang paghihiwalay nila ng dati niyang asawang si Tom Rodriguez. Gayunman, ayon sa Widows' War actress, masasabi niyang “completely out of the woods” na siya ngayon.
“Ay oo naman. Some people take longer, even decades pa to rise again, to recover. Ako, definitely out of the woods,” sabi niya kay Nelson Canlas sa kaniyang GMA Integrated News Interview para sa 24 Oras.
Pagpapatuloy pa ng aktres, “At some point, choice mo din 'yan kung talagang mag-i-stay ka ba talaga dito sa ganitong state or are you the type na gagamitin mo na 'yan to learn from it and be a better person?”
Ngayong 38 years old na siya, sinabi ni Carla na marami nang nagbago sa buhay niya. Ngunit pag-amin niya, meron pa rin siyang takot sa pagharap sa buhay.
“I'm stronger, wiser, mas confident. Most grateful for na kinaya ko, kumbaga bumangon ako, nakapag-recover ako,” sabi niya.
Paglilinaw niya, “I don't give myself all the credit of course, pero at any point, kahit sino naman pwedeng sumuko na lang e.”
BALIKAN ANG PAGIGING SENTIMENTAL NI CARLA SA KANIYANG 38TH BIRTHDAY SA GALLERY NA ITO:
Samantala, kamakailan ay naaprubahan na ng House of Representative ang Divorce Bill sa second hearing at sa ngayon ay iniintay na lang na aprubahan ito ng senado.
Nang tanungin si Carla kung ano ang kaniyang stand dito, ang sagot ng aktres, “Catholic ako, pero ano naman ako din, very realistic naman din ako.
“I see the bigger picture and, of course, sa panahon ngayon, iba na, e. Sa nakikita ko, ang daming magbe-benefit because aminin natin, marriage isn't easy, it can get toxic. Marami, unfortunately, na nagiging abusive na 'yung relationship nila,” sabi niya.
Hiling ng aktres ay sana mapirmahan na at ma-finalize na ang nasabing House Bill para mabigyan na ang option ang mga couples na hindi na masaya sa kanilang marriage.
“There are marriages na nag-i-stay nga sila for the sake of the children, they stay married dahil wala silang ibang option, pero hindi na healthy for the family, not just for the marriage,” sabi ni Carla.
“I'm sure papakinggan, dapat pakingan talaga nila 'yung mga citizens, 'yung mga Filipino,” pagpapatuloy ng aktres.
Sa ngayon, sinasabi naman ni Carla na open siya for dating ngunit wala rin siyang oras para dito dahil packed ang kaniyang schedule para sa iba't ibang commitment, kabilang na ang kanilang bagong serye.
Panoorin ang buong interview ni Carla dito:
Samantala, narito ang ilang pang celebrities na nagbigay ng pahayag tungkol sa divorce bill: