
Para sa Widow's War actress na si Carla Abellana, walang problema na magkita muli sila ng kaniyang ex-husband na si Tom Rodriguez. Ngunit kung tatanungin siya tungkol sa bagong love life nito, sinabi ng aktres na wala siyang nakikitang dahilan para magbigay pa ng komento ukol dito.
Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras kahapon, March 22, tinanong si Carla kung ano ang reaksyon niya tungkol sa bagong love life ni Tom. Ang sagot ng aktres, “I don't see the need to comment or even react.”
“Parang it's not any of my concern anymore, parang gano'n. Kumbaga I am aware naman na nakabalik na s'ya,” sabi niya.
Dagdag pa ng aktres ay prepared naman siyang makita uli ang ex-husband lalo na kung para naman ito sa trabaho.
“Nasabi ko naman na 'yun na kung mag-krus ang landas namin, whether sa studio or what, guesting kung ano man 'yan, prepared naman ako for that. Pero you know, I'll just be myself. I'll let him be,” sabi niya.
BALIKAN ANG CELEBRITY BREAK UPS NA IKINAGULAT NG MARAMI SA GALLERY NA ITO:
Nagbalik na ng bansa si Tom kamakailan lang matapos ang mahigit dalawang taon na pamamalagi ng aktor sa United States. Ikinasal sina Carla at Tom noong October 2021, ngunit nag-file ng divorce noong 2022.
Sa recent interview ni Tom sa GMA Integrated News, sinabi ng aktor na nakatagpo na siya ng bagong pag-ibig at inilarawan ito bilang “perfect timing” para sa kaniya.
“Once I was ready it came at the right time [be]cause I thought like at that point, I thought it would never happen again,” ani ni Tom.
Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang aktor tungkol sa kaniyang new found love at halip, ay ikinuwento ang kaniyang pagbabalik hindi lang sa industriya, kundi maging sa social media. Isa sa kaniyang mga unang proyekto ay ang theater production ng Ibarra: The Musical na magsisilbing pagbabalik rin niya sa teatro.