What's Hot

Carla Abellana on 'Love of My Life': "Hindi tipikal 'yung family dynamics dito"

By Dianara Alegre
Published March 4, 2021 2:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Mavs' Cooper Flagg to face college foe, Warriors on Christmas
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

carla abellana on love of my life


Huwag palampasin ang mga maiinit na tagpo sa 'Love of My Life,' gabi-gabi sa GMA!

Patindi nang patindi ang mga tagpo sa top-rating GMA Telebabad series na Love of My Life na pinagbibidahan nina Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez at Coney Reyes.

Nang makapanayam ng 24 Oras, sinabi ni Carla na “interesting” ang takbo ng kwento, hindi lamang para sa tagasubaybay ng serye, kundi pati na rin sa mga manonood na hindi nakaka-relate sa ganoong sitwasyon.

“Naninibago sila sa ganitong angggulo or ganitong set up or ganitong takbo ng kwento nitong ex ng anak at current ng anak magkasama sa iisang bahay tapos 'yung kapatid nung anak na-in love sa parehong babae.

"So, medyo hindi comfortable, hindi tipikal 'yung family dynamics dito sa Love of My Life.

“Dun sa mga hindi nakaka-relate, I guess siguro parang, 'Uy, interesting 'to',” aniya.

Rhian Ramos Mikael Daez at Carla Abellana

Samantala, bilang paghahanda naman sa mga susunod na project ay pinagtutuunan ni Carla at ng kanyang boyfriend na si Tom Rodriguez ang kanilang kalusugan.

Dedicated ang dalawa sa kanyang fitness journey o pagi-gym. Mula sa pagba-boxing ay sinubukan na rin ng aktor ang weightlifting.

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas)

Gaya ng nararanasan ng iba, challenging din kay Tom ang i-maintain ang kanyang routine ngunit mas isinasaisip na lamang niya na para ito sa kanyang kalusugan.

“You just get up and start putting your boxing shoes on and make your way to the gym. Lahat mawawala na when in you're in that moment. It's very worth it,” aniya.

Para naman mabalanse, si Carla ang in-charge sa reward o cheat day sa diet ni Tom.

“We make sure na we both work out and stay healthy. May times 'pag hindi ko natitiis ang mga desert, ang mga sweets, inaalok ko siya.

“In fairness naman sa kanya disciplined siya, talagang tinatanggihan niya,” kwento ng aktres.

Samantala, bukod sa showbiz commitments at fitness routine ay abala rin si Carla sa paggawa ng content para sa kanyang YouTube channel.

Carla Abellana at Tom Rodriguez

Source: carlaangeline (Instagram)

Panoorin ang buong 24 Oras report DITO.

POLL: Team Adelle o Team Kelly ka ba sa Love Of My Life?