GMA Logo Carla Abellana
Celebrity Life

Carla Abellana opens up about her weight loss: 'There really is no shortcut'

By EJ Chua
Published September 24, 2024 11:36 AM PHT
Updated September 24, 2024 3:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana


Paano nga ba na-achieve ng 'Widows' War' actress na si Carla Abellana ang kaniyang target weight sa kabila ng pagkakaroon ng hypothyroidism? Alamin dito.

Pinag-uusapan ngayon ang posts na makikita sa Instagram account ng A-list Kapuso actress na si Carla Abellana.

Sa dalawang magkasunod na posts, seryosong ibinahagi ni Carla ang tungkol sa kaniyang challenging na weight loss journey.

Ayon sa Widows' War lead actress, mayroon siyang hyperthyroidism at ito umano ang nagpahirap sa kaniya sa pagpapapayat sa loob ng limang taon.

Binanggit din niya na dahil sa kaniyang kondisyon, kahit nagwo-workout siya at nagpa-fasting noon ay patuloy pa rin ang pagtaas ng kaniyang timbang.

Sa ilang parte ng post, sinabi ni Carla na October noong nakaraang taon nang simulan niya ang isang diet plan, kung saan nakapagbigay ito ng magandang epekto sa kaniyang pagbabawas ng timbang.

Sa loob lamang umano ng limang buwan ay nakita na niya kaagad ang resulta nito.

Isa sa mga naging pahayag ni Carla, “My hypothyroidism game was strong, and my body was stubborn.”

Pagpapatuloy ni Carla, “It took [five] months for the ball to get rolling… I've lost around 18lbs in the past couple of months and at one point I had already reached my target weight.”

Related Gallery: 10 times Carla Abellana stood out in sheer outfits

Inalala rin niya ang mga panahon na nakakaramdam siya ng insecurity dahil sa kaniyang timbang noon.

Sabi niya, “So just like a lot of you, I also see photos of other people who are so fit and I can't help but feel insecure.”

Kasunod nito, inilahad ng aktres ang ilan sa kaniyang mga naging realization tungkol sa pagpapapayat.

Ayon kay Carla, “I also wish weight would work like magic, but no… There really is no shortcut…”

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

Samantala, si Carla Abellana ay kasalukuyang napapanood sa murder mystery drama na Widows' War bilang si George Castillo-Palacios.

Patuloy na subaybayan ang kaniyang karakter sa hit series, mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG WIDOWS' WAR SA GALLERY SA IBABA