GMA Logo carla abellana rocco nacino gardo versoza rochelle pangilinan
Celebrity Life

Carla Abellana, Rocco Nacino, at ibang Kapuso stars, ano ang pinagkakaabalahan ngayong ECQ?

By EJ Chua
Published August 10, 2021 12:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

carla abellana rocco nacino gardo versoza rochelle pangilinan


Sa gitna ng lockdown, ilang Kapuso celebrities ang productive pa rin kahit nasa lock-in taping at nasa bahay.

Kahit "Team Bahay" muna ang karamihan dahil sa enhanced community quarantine (ECQ), life must go on, ika nga.

'Yan ang pinatutunayan ng ilang Kapuso stars na nananatiling productive sa gitna ng lockdown.

Isa ang Kapuso actress at dancer na si Rochelle Pangilinan sa nagbahagi ng kanyang mga ginagawa habang quarantine.

Kahit nasa lock-in taping ng Lolong, tuloy pa rin ang pagwo-workout ni Rochelle para mapanatili ang kanyang fit at sexy body.

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)

Habang off cam, ilan rin sa cast ng Lolong ang naki-join kay Rochelle sa pagsayaw at pagwo-workout.

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)

Kasama rito sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.

Habang naka-stay-at-home, "making prayer a habit" naman ang isa sa quarantips na ibinahagi ng Kapuso actress na si Carla Abellana.

Sa isang vlog na pinamagatan niyang "Why is quarantine so difficult?" mapapanood ang daily routine ni Carla at ang kanyang simple but productive exercise habits habang naka-quarantine.

Ibinahagi rin ni Carla ang mga naranasan nila habang nasa lock-in taping.

Ipinakita rin niya ang work routine habang nasa taping ng bagong GMA Drama na To Have and To Hold, kung saan ay gaganap siya bilang Erica Gatchalian.

"Workout is life" naman ang peg ni Rocco Nacino na makakasama ni Carla sa nasabing bagong serye.

Habang nasa isang lock-in taping room sa Bataan, gumawa si Rocco ng sarili niyang gym.

Kahit nasa ibang lugar ay tips for a healthy body pa rin ang kanyang gustong i-share sa kanyang fans at followers.

Sa isang room tour vlog sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Rocco kung anu-ano ang kanyang baon at mga ginagamit niya habang nagwo-workout.

Ilan sa makikita sa patio ng kanyang kuwarto ay ang workout equipment tulad ng balance board, core total workout system, mountain bike, push-up bars, yoga mat, slam balls, dumbles, at bagong power tower.

Hinangaan naman ng kanyang co-stars ang Kapuso actor.

“Rocco, paano mo napagkasya ang mga 'yun sa kuwarto mo?”

Samantala, si Gardo Versoza naman, good vibes habang naka-stay-at-home.

Sa kanyang Instagram account, nag-upload si Gardo ang TikTok video nila ng kanyang asawa habang nage-exercise at nagkukulitan.

A post shared by gardo versoza ( CUPCAKE ) (@gardo_versoza)

Sweet na sweet na caption naman ang nilagay niya sa naturang IG post dahil pagdiriwang nila ang kaarawan ng kanyang TikTok buddy at lovely wife.

“You turn my life around. Sana sa patuoy na pag turn around at sa pabalik balik na ECQ ako pa rin ang TikTok partner mo. I love you happy bday.”

Malayo man sa pamilya dahil nasa lock-in tapings, patuloy pa rin ang pagsisikap ng Kapuso stars upang makapagbigay ng saya sa gitna ng pandemya.

Tingnan sa gallery sa ibaba ang iba pang pinagkakaabalahan ng ibang Kapuso stars: