GMA Logo Rochelle Pangilinan
Source: rochelle pangilinan (IG)
What's on TV

Rochelle Pangilinan, dinaan sa pagsayaw ng 'Lagi' ang boredom habang naka-quarantine

By Aimee Anoc
Published July 13, 2021 11:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rochelle Pangilinan


"Pagising sa umaga... sayaw agad!" - Rochelle

Maagang nagbigay kasiyahan si SexBomb alumna Rochelle Pangilinan sa kanyang followers sa Instagram sa pamamagitan ng pagsayaw sa kantang 'Lagi' ni Skusta Clee.

Pagbabahagi pa ni Rochelle, "Paggising sa umaga... sayaw agad! Magandang umaga!"

Seksing seksi pa rin si Rochelle kahit na nakadamit pantulog at walang makeup habang sumasayaw.

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Rochelle sa Balitanghali ang mga paraan na ginagawa niya para hindi mainip habang naka-quarantine.

Pagbabahagi ng aktres na nagbaon na raw siya ng mga libro na mababasa niya at palagi siyang tumatawag sa asawang si Arthur Solinap upang kamustahin ang baby nilang si Shiloh Jayne.

Inamin din ni Rochelle na nakararanas siya ng separation anxiety sa anak dahil nasanay na siyang palaging nakikita ito.

Kasalukuyang sumasailalim sa quarantine si Rochelle para sa paghahanda sa taping ng Lolong. Isa si Rochelle sa mga bibida sa nasabing teleserye at makakasama niya rito sina Shaira Diaz at Ruru Madrid.

Samantala, kilalanin ang cute babies nina Rochelle, Jopay, at iba pang Sexbomb Girls sa gallery na ito: