
Masayang ipinagdiwang ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo at ng kanyang girlfriend na si Chloe San Jose ang kanilang 52nd monthsary nitong Linggo, September 29.
Sa Instagram, apat na photos tungkol sa special occasion ang inupload ni Chloe sa kanyang account.
Makikita sa una ang solo photo niya habang may hawak na bouquet of sunflowers.
Sa ikalawang photo naman ay ibinida ni Chloe ang kanyang boyfriend na si Carlos.
Kasunod ng mga ito, mababasa naman ang sweet na sweet na monthsary greeting ni Carlos sa kanyang partner.
Related gallery: Carlos Yulo and Chloe San Jose's sweetest moments:
Mayroon ding long message si Carlos para kay Chloe na ipinadaan niya sa isang love letter na sulat kamay ng una.
Sulat naman ni Chloe sa caption ng kanyang post, “I love you endlessly @c_edrielzxs.”
Samantala, si Carlos ang Pinoy Olympian na nakapag-uwi ng dalawang gold medals mula sa Paris Olympics 2024.
Habang siya ay nakafocus sa kanyang career sa larangan ng sports, ang kanyang girlfriend naman na si Chloe ay abala sa pagiging isang content creator.