What's Hot

Carlos Yulo, masayang sinalubong ng pamilya at kabarangay sa Heroes' Welcome Parade

By Kristian Eric Javier
Published August 15, 2024 3:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire engulfs warehouse in Caloocan City
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Mark Andrew Yulo, Angelita Poquiz


Naging inspirasyon si Carlos Yulo hindi lang sa mga matatanda, kundi pati rin sa mga kabataan.

Isang mainit na pagsalubong ang natanggap ng mga Pinoy Olympic athletes sa kamakailan lang na Heroes' Welcome Parade sa Maynila.

Kitang-kita sa mukha ng lahat ng dumalo sa parada ang ngiti at pagmamalaki para sa mga atleta na nag-uwi ng tagumpay para sa bansa.

Hindi syempre pinalampas ng mga residente sa Barangay 711, Leveriza, Malate ang pagkakataon na ipakita ang kanilang pagsuporta sa kanilang kabarangay at two-time gold medalist na si Carlos Yulo.

Kasabay ng hiyawan at pagkaway nila sa gymnast, may ilan ding naghatid ng saya habang dala ang standee ni Carlos. Meron mga masuswerteng kabarangay na nakakuha rin ng pirma ng atleta.

"Proud po ako, kabarangay ko po 'yan," sabi ng isang residente.

Dahil sa husay na ipinamalas ni Carlos, maraming mga bata ang nais sumunod sa kanyang yapak. Tila nga naging barangay ng mga gymnast ang kanilang lugar dahil sa dami ng mga batang tumatambling at gustong ipagpatuloy ang kanilang sports.

Isa sa mga kabataan na nakapanayam ng GMA Integrated News ay ang 12 anyos na si Yohan Benedicto. Ayon sa kanya, mas nagustuhan niyang ipagpatuloy ang gymnastics nang makita ang laban ni Carlos.

"Gusto ko po sana ipagpatuloy yung gymnast kung pwede lang. 'Di ko po kasi sure kung ma-afford pa namin," pahayag ni Yohan.

Masaya rin ang mga kamag-anak ni Carlos, lalo na ang kanyang lola na si Angelita Poquiz, na makita ang kanilang kampiyon sa parada. Kahit hindi raw nagtagpo ang kanilang mga mata nang dumaan si Carlos sa kanilang lugar, masaya pa rin si Angelita na masilayan ang kanyang apo.

Dumalo rin sa parada ang ama ni Carlos na si Mark Andrew Yulo upang ipakita ang kanyang suporta para sa kanyang anak. Masaya niyang pinakita ang banner na may nakasulat, "'Caloy, dito Papa mo!"

Umuwi ng bansa ang mga atleta galing Paris Olympics noong Martes (August 13) at kaagad bumisita sa Malacañan Palace para tanggapin ang kanilang parangal.

Dumayo rin si Carlos sa Taguig City kung saan siya ay mainit na sinalubong ng mga Pilipino. Nilibot din niya ang kanyang condominium unit na ibinigay ng Megaworld Corporation.

Samantala, kilalanin pa si Carlos Yulo sa gallery na ito: