
Bukod kina Sofia Pablo at Eliza Borromeo, shippers din ng CapHeath (Caprice Cayetano at Heath Jornales) ang last evictees sa Bahay Ni Kuya na sina Carmelle Collado at Marco Masa.
*Related gallery: Meet the fan-favorite ships in Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0
Sa pagbisita nila sa Kapuso Artistambayan nitong Huwebes, February 26, makulit na nilayag nina Carmelle at Marco ang CapHeath.
Pahayag ng Kapuso ex-housemate na si Marco, “Kami [ni Carmelle Collado] bago kami umalis, sini-ship talaga namin CapHeath.”
Ipinaliwanag niya rin kung bakit nga ba patuloy silang kinikilig kina Caprice at Heath.
“Honestly, like kaya talaga kami kinikilig kahit na parang 'yung closeness nila nandodoon pero sobrang subtle at saka 'yung mga awkward moments nila, parang nagkakahiyaan talaga sila. We find it really cute talaga. Doon talaga nag-start 'yung pang asar namin sa kanila,” pahabol ni Marco.
Samantala, isang tulog na lang at matutunghayan na ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 The Big Night.
Sino kaya ang tatanghalin na Kapuso at Kapamilya Big Winner sa edisyong ito?
Ang kabilang sa Ultimate 8 ay sina Caprice Cayetano, Ashley Sarmiento, Heath Jornales, Princess Aliyah, Lella Ford, Krystal Mejes, Joaquin Arce, at Miguel Vergara.
Huwag palampasin ang mga pangyayari sa huling gabi ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, ngayong Sabado na, February 28, 7: 15 p.m..
Mapapanood ito ng live sa GMA at Kapuso Stream.
Maaari ring subaybayan ang mga pahabol na kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.