GMA Logo Carmina Villarroel and Jillian Ward
Celebrity Life

Carmina Villarroel and Jillian Ward shop and bond in new vlog

By EJ Chua
Published March 8, 2023 12:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel and Jillian Ward


Mother and daughter pa rin ang turingan ng 'Abot-Kamay Na Pangarap' stars na sina Carmina Villarroel at Jillian Ward kahit off cam.

Nagsisilbing inspirasyon ngayon para sa maraming Pinoy ang mag-inang Lyneth at Analyn, ang mga karakter nina Carmina Villarroel at Jillian Ward sa Abot-Kamay Na Pangarap.

Ayon kina Carmina at Jillian, ilang buwan pa lamang silang magkatrabaho pero kakaibang closeness na ang mayroon silang dalawa.

Nito lamang March 7, 2023, isang vlog ang inupload ni Carmina sa kanyang YouTube channel kung saan napanood ng ilang netizens ang shopping at bonding moment nila ni Jillian.

Sa unang parte ng halos 12-minute-video, ibinahagi ng aktres na mayroon silang napagkasunduan ng kanyang co-star.

Ayon kay Carmina, sinabi niya kay Jillian na hindi siya pupunta sa debut nito kung hindi siya papayag na ibibili niya ito ng regalo. Dahil gusto ng young actress na pumunta ang kanyang nanay-nanayan sa showbiz, pumayag siya sa sinabi nitong kondisyon. Matapos mag-shopping, magkasama ring nagdinner ang dalawang aktres.

February 25, 2023 nang idaos ni Jillian ang kanyang engrandeng debut, at kabilang si Carmina sa halos 800 guests na dumalo sa naturang event.

Ang aktres ay naging parte ng 18 candles, kung saan binigyan siya ng pagkakataon na magbigay ng birthday message para sa debutante.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Jillian bago ang kanyang birthday party, ikinuwento niyang nakatanggap siya ng luxury gift mula kay Carmina.

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEST MOTHER-DAUGHTER MOMENTS NINA LYNETH AT ANALYN SA GALLERY SA IBABA: