GMA Logo Carmina Villarroel and Jillian Ward
What's on TV

'Abot-Kamay Na Pangarap' star Carmina Villarroel has a sweet birthday message for Jillian Ward

By EJ Chua
Published March 2, 2023 12:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel and Jillian Ward


Carmina Villarroel kay Jillian Ward: “Always remember that I will be here for you, your Nanay Lyneth. Don't forget that, I got you!”

Kasalukuyang napapanood bilang lead stars sa hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap sina Carmina Villarroel at Jillian Ward.

Ginagampanan nila sa serye ang mga karakter ng mag-inang sina Lyneth at Analyn Santos.

Sa katatapos lang na 18th birthday party ni Jillian, isa sa daan-daang dumalo ay ang aktres na si Carmina.

Naging parte siya ng 18 candles ni Jillian, kung saan nabigyan siya ng pagkakataon na magbigay ng birthday message para sa kaniyang anak-anakan sa showbiz.

Pagbati ng aktres sa debutante, “Anak, Happy 18th birthday. During my 7 months working with you, I witnessed a young girl, a young lady, who is very respectful, hardworking, professional, napakabait na bata, very loving, obedient, lahat na yata ng positive adjectives masasabi ko talaga na na-witness ko talaga 'yun during na nagtatrabaho tayo...”

Dagdag pa niya, “You are so blessed, because you are a good person, very respectful. You deserve all the blessings in this world, please do not change. Maraming mang nang-aaway sa'yo, ako ang aaway para sa'yo, promise. Always remember that I will be here for you, your Nanay Lyneth. Don't forget that, I got you! I love you anak.”

Sa kalagitnaan ng kaniyang message, nagbiro pa siya sa GMA Executives na present din sa birthday party ni Jillian.

Biro ni Carmina, sana raw ay tumagal at ma-extend pa ang show na kanilang pinagbibidahan ni Jillian.

Sa isang interview, ibinahagi nina Carmina at Jillian na naramdaman daw nilang maswerte raw sila sa isa't isa, dahil mayroon silang instant connection nang magsimula ang GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Mapapanood ang seryeng tunay na pinag-uusapan ng taumbayan tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

BALIKAN ANG ILANG NAG-VIRAL NA EKSENA NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: