GMA Logo Cassy Legaspi and Carmina Villarroel
Source: Carmina Villarroel-Legaspi (YouTube)
Celebrity Life

Carmina Villarroel at Cassy Legaspi, ibinahagi ang pagkakaiba ng kanilang makeup routine

By Maine Aquino
Published December 15, 2020 4:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Napolcom slams injury of 7 cops in Labor Day protests
Authorities probe death of 13 dogs in San Miguel, Iloilo
BINI and Thalia interact at Billboard Women in Music 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Cassy Legaspi and Carmina Villarroel


Sa kanyang YouTube channel ay ipinakita nina Carmina Villarroel at Cassy Legaspi ang pagkakaiba ng makeup application sa kanilang generation. Ipinasilip rin ng dalawa ang ilan sa kanilang must-have makeup products from local and international brands.

Sa latest vlog ni Carmina Villarroel sa kanyang YouTube channel, sinubukan niyang gayahin makeup look ng kanyang anak na si Cassy Legaspi.

Sa video na ito ay nakita ang kaibahan ng kanilang paraan ng pagmi-makeup dahil magkaiba sila ng generation. Inamin ni Cassy na natuto siyang mag-makeup dahil sa panonood lamang ng videos sa YouTube. Si Carmina naman ay nasanay na mini-makeup-an lang siya dahil sa tagal niya nang nag-aartista.

Kuwento ni Carmina, "I'm going to imitate Cassy's makeup. As you all know, if you know me well, hindi talaga ako nagmi-makeup sa sarili ko. So like I've said, it's a challenge for me."

Pag-amin pa ni Carmina, "Ako sa tagal tagal ko nang artista, I just sit on my chair and then hayaan ko na 'yung mga makeup artist. I watch them and then I ask questions especially when it comes to makeup...mausisa ako."

Cassy Legaspi and Carmina Villarroel

Photo source: Carmina Villarroel-Legaspi (YouTube)

Sa pagsisimula pa lamang nila sa paggamit ng primer, kita na umano nina Carmina at Cassy ang difference ng kanilang generation.

Saad ni Cassy sa kanyang ina nang makita kung paano siya maglagay ng primer, "My gosh, it's so aggressive! Relax, you're like scratching your face!"

Sagot naman ni Carmina, "I'm not scratching my face...So nakikita ninyo 'yung old school application and 'yung updated version ng pag-a-apply."

Inamin ni Carmina na lagi siya pinapaalalahan ni Cassy ng mga dapat gawin kapag nagmi-makeup. Ani ng Sarap, 'Di Ba? host, "Lagi niya sinasabi sa akin na prep your face first. Meaning, moisturize, put primer."

Sa next step nito ay ikinuwento ni Cassy na hindi siya gumagamit ng foundation.

"I dont put foundation. I only put concealer if I need it lang and I don't put concealer under my eyes... I love my eyebags."

Saad naman ni Carmina, kailangan niya ang concealer.

"'Pag medyo matanda ka na hindi mo na siya gugustuhin... I need that. I think it depends kung ano 'yung needs ng skin ninyo. Cassy doesn't need foundation. Kung meron lang siyang kailangan na i-conceal, iko-conceal niya."

Payo pa ni Cassy sa mga nanonood sa kanilang video, i-consider ang pagiging malinis sa paggamit ng makeup products.

"For me, I just like using the same shade as my skin. When I do spot conceal, kunyari sa mga pimples, I don't put the concealer directly. I put it in my hand and then get from there. Kasi for hygiene purposes, kasi parang you're using the same tool to touch the pimples."

Ipinakita rin sa video ang pagiging specific ni Cassy sa kanyang makeup tools habang si Carmina naman ay nahirapan sa paghanap ng tamang brush.

"Doon ako nalilito. Ang dami dami kong brush hindi ko alam kung para saan."

Bukod sa mga ito ay tinuruan rin ni Cassy ang kanyang ina sa paggamit ng bronzer, blush, at highlighter. Dito ay nalito rin si Carmina dahil sa dami ng products na nakaharap sa kanya. Isa pang itinuro sa kanyang ina ay ang pag-apply ng drunk blush na nauuso ngayon sa generation ni Cassy.

Tingnan ang kabuuan ng kanilang ginawang mother and daughter makeup session sa vlog ni Carmina.

Ngayong holiday season, ipinakita ni Carmina ang kanyang collection ng snowman sa kanilang tahanan. Silipin ang kanyang cute na cute na mga Christmas decor sa gallery na ito.