GMA Logo Janice De Belen, Carmina Villarroel, Gelli De Belen, Candy Pangilinan
PHOTO SOURCE: YouTube: Just Gelli
Celebrity Life

Carmina Villarroel, Candy Pangilinan, Gelli, at Janice De Belen, inilahad bakit hindi sila papasok sa politika

By Maine Aquino
Published May 13, 2025 6:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Janice De Belen, Carmina Villarroel, Gelli De Belen, Candy Pangilinan


Alamin ang dahilan nina Carmina Villarroel, Candy Pangilinan, Gelli, at Janice De Belen kung bakit hindi nila papasukin ang mundo ng politika.

Sina Carmina Villarroel, Candy Pangilinan, Gelli, at Janice De Belen ay naninindigan na hindi sila papasok sa mundo ng politika.

Ito ay ikinuwento nila sa kanilang podcast na Wala Pa Kaming Title.

PHOTO SOURCE: YouTube: Just Gelli


Unang umamin si Candy na may mga nag-alok na sa kaniyang pasukin ang politika. Kuwento ni Candy, "Ayoko talaga. Ang dami nang lumapit sa akin."

Dahilan ni Candy, "Ang dami ko ng ginagawa ayoko na dagdagan. Number two, hindi ko alam kung kaya ko 'yung accountability kung nandoon ako."

Sumunod namang nagbahagi si Gelli. Para sa aktres at host, hindi siya qualified para maging public servant.

"I am not qualified so I will not."

Paliwanag ni Gelli, "I may be concerned, may malasakit ako, pero hindi ako qualified. Hindi ko alam kung paano ko paganahin o implement ang lahat ng concern na mayroon ako. E 'di useless din."

Si Carmina naman ay umaming isa siyang worrier kaya hindi niya raw kakayanin ang pagiging public servant.

"Ayoko kasi unang una worrier ako hindi ba? Hindi ko kakayanin kasi poproblemahin ko lahat ng problema ng tao. Hindi ko kayang i-set aside kapag pauwi na ako ng bahay."

Dugtong pa ni Carmina, "Pangalawa, maawain ako. It's not a bad thing, pero baka maubos 'yung pera ko sa kakatulong."

Diretsong sinagot ni Janice ang dahilan niya kung bakit hindi siya para sa mundo ng mga politika.

"Never ko naisip 'yun. Unang-una suplada ako, hindi ako pwede diyan."

Paliwanag pa ni Janice, "Hindi ako educated enough for that... Paano kapag hindi na kaya ng brain ko? Paano kung makakalimutan ko ang lahat ng 'yan?"

Panoorin ang kuwentuhan nina Carmina, Janice, Gelli, at Candy rito:

Samantala, i-download ang GMA Eleksyon 2025 app para sa updates, livestreams, at vote count tracker. Subaybayan ang Eleksyon 2025 coverage sa GMA Network.