GMA Logo Carmina Villarroel Cassy Legaspi Mavy Legaspi and Zoren Legaspi
PHOTO COURTESY: Michael Paunlagui
What's on TV

Carmina Villarroel, challenging daw para sa kaniyang pamilya ang 'Hating Kapatid'

By Dianne Mariano
Published March 27, 2025 11:53 AM PHT
Updated October 8, 2025 1:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa | Balitang Bisdak
Jeepney driver, patay matapos barilin ng salaring nagkunwaring pasahero sa Antipolo City
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel Cassy Legaspi Mavy Legaspi and Zoren Legaspi


Seasoned actress Carmina Villarroel sa upcoming GMA drama series na 'Hating Kapatid': “First time namin na iiyak as a family.”

Bibida ang Legaspi family na binubuo nina Carmina Villarroel, Cassy Legaspi, Mavy Legaspi, at Zoren Legaspi sa upcoming GMA drama series na Hating Kapatid.

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, ibinahagi ng seasoned actress na magiging challenging para sa kanilang pamilya ang nasabing serye.

“First time namin na iiyak kami as a family. Sabi ko nga opposite e kasi in real life, alam mo 'yung magaan lang, tawanan lang, kulitan. Ito 'yung talagang 'yung puro mga iyakan, confrontations. It's going to be challenging for all of us,” ani Carmina.

Matatandaan na naka-eksena na ni Carmina ang kaniyang mga anak sa top-rating afternoon drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, habang first time namang makakaeksena ni Zoren sina Cassy at Mavy.

Aniya'y wala na raw awkwardness sa pagitan nila sa set dahil open sila sa mga anak.

“Napag-isip-isipan ko na na hindi kasi as they age, 'yung naging teenagers sila, naging open kami sa isa't-isa,” pagbabahagi ni Zoren.

Magkahalong excitement at kaba naman ang nararamdaman nina Cassy at Mavy sa kanilang upcoming project kasama ang kanilang mga magulang.

“I'm very excited and I'm curious din kung paano kaya ang work dynamics namin,” saad ng aktres.

Kuwento naman ng young actor na si Mavy, “May kaba ako, more on excitement kasi I believe in our work, kumbaga our craft as a family and also the craft ng bawat isa. So I'm very excited to show the viewers what we're capable of.”

Kabilang din sa cast ng Hating Kapatid sina Valerie Concepcion, Leandro Baldemor, Glenda Garcia, Mel Kimura, Cheska Fausto.

Panoorin ang buong report sa video na ito.

Abangan ang Hating Kapatid soon sa GMA.

SAMANTALA, TINGNAN ANG TRAVEL BONDING MOMENTS NG LEGASPI FAMILY