GMA Logo Carmina Villarroel
PHOTO SOURCE: YouTube: Maricel Soriano/ @mina_villarroel
Celebrity Life

Carmina Villarroel, inihahanda ang sarili sa pagbukod nina Mavy at Cassy Legaspi

By Maine Aquino
Published September 4, 2023 2:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Raffy Tulfo expresses concern over NAIA Terminal 1 ceiling collapse
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel


Ibinahagi ni Carmina Villarroel na inihahanda na niya ang sarili sa oras na magkakaroon na ng sari-sariling pamilya sina Mavy at Cassy Legaspi.

Aminado si Carmina Villarroel na mahirap man ay naghahanda na siya na magkakaroon ng sari-sariling mga pamilya ang mga anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Ibinahagi ito ni Carmina sa YouTube channel ni Maricel Soriano kung saan pinag-usapan din nila ang kanyang pagsisimula sa showbiz, buhay nila ni Zoren Legaspi, at pagiging ina sa kambal na sina Mavy at Cassy.

Diretsong sinabi ni Carmina na ayaw niya munang isipin na magkakaroon ng sari-sariling pamilya sina Mavy at Cassy. Sina Mavy at Cassy ay 22 years old.

Ani Carmina, "Ayoko, hindi ko kaya iiyak ako. Hindi ko pa kaya."

PHOTO SOURCE: YouTube: Maricel Soriano

Paliwanag naman ng Sarap, 'Di Ba? at Abot Kamay na Pangarap star, alam niyang mangyayari ito pero hindi pa siya handa para rito.

"Dadating talaga tayo doon pero that's why chine-cherish at ine-enjoy ko 'yung every moment ko with them. Kasi alam ko na darating at darating doon sa punto na gusto nilang magsarili and then eventually magkakaroon na silang sariling pamilya."

RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Carmina Villarroel as a cool mom to Mavy and Cassy Legaspi

Dugtong pa ni Carmina, "Ayoko muna mag-isip ng ganoon kasi malayo pa 'yun. 22 pa lang naman sila, bata pa sila."

Inilahad pa ni Carmina na hindi pa naman niya nararamdaman na gusto na bumukod ng mga anak nila ni Zoren Legaspi.

"Sa ngayon wala pa naman ako naririnig na I want to get my own apartment or ganito ganito, wala pa. Siguro kasi napi-feel nila na masyado akong clingy. Masyado akong, gusto ko talagang together kami."

Pinayuhan naman ni Maricel na kailangan na itong pag-aralan ni Carmina, "Medyo ngayon mag-aral aral ka na nang kaunti. Unti-untiin mo rin 'yung sarili mo."

Sagot naman ni Carmina, pati si Zoren ay pinapaalalahanan din siya tungkol dito.

"Actually 'yun din ang laging sinasabi sa akin ni Zoren na "Hon, malalaki na 'yung mga anak mo so kailangan i-ready mo na 'yung sarili mo na medyo bitaw bitawan sila nang kaunti."

Para kay Carmina, unti-unti niya naman na itong ginagawa dahil alam niyang doon talaga papunta ang buhay ng mga anak na sina Mavy at Cassy-

"Binibitaw bitawan ko naman nang slight. Nakabitaw naman pero nakatingin. Inuunti unti ko naman."

SAMANTALA, SILIPIN ANG CUTE AND SWEET MOMENTS NG LEGASPI "FAMKADA" DITO: