
Inamin ni Carmina Villarroel na gusto niya sanang magkaroon pa ng mga anak bukod kina Mavy at Cassy Legaspi.
Sina Mavy at Cassy ay ang 22-year-old twins nina Carmina at asawang si Zoren Legaspi.
Sa YouTube channel ni Carmina ay naglaro sila ni Zoren ng "Who's Most Likely To." Itinanong ni Cassy sa kanyang celebrity parents, "Who's most likely to want another child?"
Inamin ni Carmina na siya ang mas may gusto nito. Kuwento niya, "Dahil first-time parents tapos twins agad, tapos pair pa. Feeling ko ay grabe set na kami, okay na kami.
PHOTO SOURCE: @mina_villarroel
"Akala ko hindi na sila lalaki and mali ako, lalaki pala," dugtong pa ng Sarap, 'Di Ba? host.
Ayon kay Carmina, kung maire-rewind niya raw ang kanyang buhay, gusto niya pa sana ng mas marami pang anak.
Saad ng Kapuso star, "Kung alam ko lang, although mahirap, pero kung bibigyan pa ako ng isa pang pagkakataon, siguro one more, or two more... Kung pwede kong i-rewind 'yung buhay ko."
Itinanong ni Zoren kung baby girl or baby boy ang gusto ni Carmina. Sagot niya sa tanong ni Zoren, "Kahit ano'ng gusto ni God na ibigay sa akin."
Pag-amin pa ni Carmina sana ay nasundan nila ang kambal noong seven years old pa lamang sila. Ngunit wala naman daw pinagsisihan si Carmina at nagpapasalamat sila kay Mavy at Cassy.
"Wala naman akong ano, kasi 'yun na 'yung ibinigay ni God. So ano man 'yung ibinigay ni God, we're very thankful, we're very grateful sa inyo ni Maverick."
BALIKAN ANG LEGASPI FAMILY PHOTOS DITO: