
Nag-uumapaw ang saya ni Carmina Villarroel nang matanggap na niya ang kaniyang Silver Play Button para sa kanyang YouTube channel na Carmina Villarroel-Legaspi.
Ayon kay Carmina, matagal na niyang hinihintay ito at masayang masaya siya na natanggap na niya sa wakas ang kanyang sariling Silver Play Button.
Ipinakita ni Carmina ang kanyang nakakatuwang unboxing sa kanyang YouTube channel. Ginawan pa ito ng surprise ng kilalang photographer na si Raymund Isaac.
“Ito 'yung matagal ko nang hinihintay. OMG!”
Dugtong pa ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition host at Babawiin Ko Ang Lahat actress, “I finally got it. After waiting for how many months, it's my Silver Play Button! Oh my gosh, I have my name on it!”
Nang matanggap ito ni Carmina ay may 200,000 subscribers na ang kanyang YouTube channel.
“100k subscribers, now 200k subscribers. So thank you! Oh my gosh thank you so much. Thank you, thank you so much.”
Photo source: mina_villarroel (IG)
Nagpasalamat naman ang Kapuso star sa YouTube at sa kanyang mga subscribers.
“Thank you to YouTube. Thank you to all of my subscribers. Maraming maraming salamat. Hindi po mangyayari ito kung hindi po dahil sa inyo. Thank you po talaga. You guys are the best! Keep it coming, thank you.”
Inamin ni Carmina na maitutulad niya sa pagtanggap ng Best Actress award ang kanyang pagtanggap ng Silver Play Button. Bukod sa produkto ito ng kanyang pagsisikap, ito rin ay ang channel para makilala siya nang personal at ang kanyang asawa na si Zoren Legaspi at mga anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.
“Oh my gosh I am so speechless para akong nakatanggap ng Best Actress award, even more. But this is really hard work kasi as you all know 'yung akin pong YouTube channel, this is personal. This is intimate. You really get to know me and my family.”
Pagpapatuloy pa ng aktres, “Wala po akong team dito. Every time we shoot, wala po akong cameraman, wala akong mga ilaw. Ang meron lang namin is of course 'yung aming editing team."
Si Cassy na nasa lock in taping ay bumati sa latest achievement ng kanyang mommy through video call.
Saad ni Cassy, “You deserve it!”
“Congrats, mama! I am so proud of you!”
Bago magtapos ang video ni Carmina ay muli siyang nagpasalamat sa mga naka-subscribe sa kanyang YouTube channel.
Saad ni Carmina, “Thank you again from the bottom of my heart. Thank you to all my subscribers. I love you all. May God bless you, take care and stay safe guys!”
Bukod kay Carmina, narito ang ibang pang Kapuso stars na vloggers na rin:
Carmina Villarroel, tumutol sa pag-aartista ni Cassy Legaspi?