GMA Logo Carmina Villarroel and Cassy Legaspi
Celebrity Life

Carmina Villarroel reveals Cassy Legaspi's secrets in latest vlog

By Maine Aquino
Published May 17, 2021 2:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel and Cassy Legaspi


Alamin ang mga ibinuking ni Carmina Villarroel tungkol sa kaniyang anak na si Cassy Legaspi.

Ilang mga sikreto ang ibinunyag ni Carmina Villarroel tungkol sa kaniyang anak na si Cassy Legaspi.

Nangyari ito nang mag-guest si Cassy sa kaniyang vlog para sa isang 'What's In My Bag' video.

Unang ibinuking ni Carmina na hindi alam ni Cassy na sa kaniya ang ginagamit niyang Gucci bag. Inakala kasi ni Cassy na hiniram niya lamang ito sa kaniyang mommy.

"Ayaw niyang tanggapin but that's hers."

Itinuloy ni Carmina ang kuwento at nabanggit niya ang tungkol sa wallet ng kanyang unica hija.

Saad ng Kapuso star, "'Pag titingnan niyo po 'yung wallet ni Cassy laging ano, laging gulo-gulo. Super dami ng coins."

Carmina Villarroel and Cassy Legaspi
Photo source: YouTube: Carmina Villarroel-Legaspi

Paglilinaw naman ni Cassy ay may sistema siya sa pag-organize ng kaniyang wallet.

"Ako 'yung mga 1000 ko fino-fold ko so isang set, 500 finofold ko, so on and so forth."

Pero pagtutuloy ni Carmina, inaayos niya pa rin ang gamit ng kaniyang anak.

"Minsan inaayos ko 'yan na di niya alam, kinukuha ko 'yung excess coins."

Sunod na pinag-usapan ng mag-ina ay ang "alcohol habit" ni Cassy. Isa sa mga must-haves ni Cassy sa kaniyang bag at sa bahay ay ang alcohol para masigurong ligtas siya sa COVID-19.

"Sobrang ugali niya talaga 'yan. Kahit nasa bahay lang. kahit nasa kwarto niya. Which is good."

Parte rin ng video na ito ay isa pang paraan ni Carmina para makaiwas sa COVID-19. Ito ay ang paglalagay ng pera sa isang plastic bag para nakahiwalay ito sa iba pang gamit.

"Plastic na may barya. Ako po nagturo sa kaniya nito. Sabi ko just in case na let's say may bibilhin siya tapos sinuklian siya, siyempre hindi pa siya naka-UV."

Marami pang pinag-usapan at bukingang naganap sa pagitan ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition hosts na sina Carmina at Cassy sa video na ito:


Tingnan naman ang quarantine photos ng Legaspi family sa gallery na ito: