
Isa sa mga kaabang-abang na handog ng GMA ay ang upcoming drama series na Hating Kapatid.
RELATED GALLERY: First look at the cast of upcoming GMA drama series 'Hating Kapatid'
Isa sa mga bibida sa naturang serye ay ang Sparkle star na si Cassy Legaspi. Sa Instagram, ipinasilip ng aktres ang kanyang preparasyon para bagong proyekto at kabilang dito ay ang pagsailalim niya sa isang cake decorating workshop.
“Hating Kapatid preps,” sulat niya sa caption.
Sa isang panayam, sinabi ng young actress na excited siyang makatrabaho ang kanyang pamilya sa Hating Kapatid.
"I'm very excited and I'm curious din kung paano kaya ang working dynamics namin," aniya.
Makakasama ni Cassy sa Hating Kapatid ang kanyang ina na si Carmina Villarroel, kapatid na si Mavy, at kanilang amang si Zoren Legaspi.
Kabilang din sa cast ng serye sina Valerie Concepcion, Leandro Baldemor, Glenda Garcia, Mel Kimura, at Cheska Fausto.
Abangan ang Hating Kapatid, soon sa GMA.